narration. May 20, 2021 | 10:30 AM
Avianna
"O, o. Ingat, Avianna!" Hinawakan ni Alaric ang kamay ko noong muntik na akong matisod sa isang bato habang patuloy pa rin kami sa hiking namin.
Medyo malayo pa kami at mahirap ang daan pero kanina pa siya sunod nang sunod sa akin at inaalalayan ako kapag alam niyang malapit na akong matisod o mapahamak.
Muli akong nagpasalamat sa kaniya kagaya ng mga sagot ko mula pa kanina. Ngumiti lang naman siya. Hinayaan ko na lang at tumuloy na rin kami sa pag-akyat sa matarik ngunit magandang bundok na ito.
We stopped when we reach a nearby place with an old tree in it. Malago ang mga dahon nito at pwedeng-pwede kaming makasilong kasama na ang tour guides namin.
Huminga ako nang malalim. Hindi naman na ako nagulat noong tumabi na naman si Alaric sa akin. Ano pa bang aasahan ko eh kanina pa siya buntot nang buntot sa akin di'ba? Parang aso. Tss.
"Kumusta ang experience?" he asked as I was looking at the breathtaking view in front of me. Ang ganda ng bundok. Kahit ang mga puno sa 'di kalayuan ay sobrang gandang tignan.
"Kakahike lang namin ni Nyx noong birthday ko, di'ba? That was literally three days ago. Kayang-kaya 'to," sagot ko rito.
"I meant the hiking experience with me beside you, though."
"Ah. Kasama kayong lahat?" Liningon ko siya at kahit ayaw ko, bahagya pa rin akong natawa noong makita na sumimangot siya.
"Sabi ko kasama ako. Ako, hindi kaming lahat."
"Eh kasama ko rin naman sila. Kung sasagutin ko ang tanong mo, it's a good experience to have all of you here. Nakakatuwa na naisip niyo pang magkaroon ng post celebration para sa akin."
Ngumiti lang siya nang bahagya at pagkatapos ay uminom mula sa tumbler na hawak niya mula pa kanina. Hindi na lang din ako nagsalita hanggang sa tumuloy na rin kami sa pag-akyat sa bundok.
Of course, still with Alaric being so caring of me. Ni hindi na ako magtataka kung bakit hindi hyper si Aisha ngayon. This is making me feel awkward of her, of Alaric, and just of everything.
Hay. I hope this guy right here would just stop his antics.
Tss.
narration. May 20, 2021 | 5:12 PM
Hindi pa kami nakakarating sa main attraction na sinasabi ng mga kasama naming tour guide pero masiyado nang madilim at delikado kung tutuloy pa kami kaya kinailangan muna naming huminto sa isang patag na area.
Ang alam ko hindi namin napuntahan ni Nyx 'to noong birthday ko. We were way farther from here, doon pa sa may baba dahil na rin sa request ng mga kasama namin noong araw na 'yon.
It feels nice to be here. Ang ganda rito. Away from the busy city. Away from everything that bothers me even if this will only be for a short while.
"Happy birthday." Lumingon ako noong marinig 'yon at nakitang si Alaric na naman ang nasa likod ko.
Ngumiti ito sa akin at tuluyan na ngang tumayo sa tabi ko habang pareho naming pinagmamasdan ang papalubog na araw.
"Nagawa mo akong batiin nang personal ngayong hindi ko na birthday?" tanong ko rito.
"Si Clarence lang pinabati mo sa akin noong 17 ah," dagdag ko pa.
"I was too shy to greet you. Ayoko ring mag-isip nang kakaiba si Nyx sa akin. Sinabi ko sa kaniya na hindi ako lalaban para sa puso mo eh. Kaibigan ko pa rin naman 'yon."
Teka lang. Anong sinasabi niya? Is he indirectly confessing to me right now?
He suddenly laughed. "Iniisip mo sigurong indirectly umaamin ako sa'yo ngayon. Hindi gano'n, Avianna. Ayoko ng hindi prangka."
Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko na lang talaga kung saan papunta 'to eh. At oo, ayokong marinig kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin ngayon.
"Avianna..."
"Uhm, may kukunin lang ako sa tent. Diyan ka na muna. Bye!" Tinalikuran ko na siya para hindi marinig ang pag-amin niya pero hindi ko rin pala iyon maiiwasan.
"You can run away and hide all you want but I still want to tell you this. Oo, gusto kita. Gustong-gusto kita, Avianna. At oo, alam kong may lugar na ang kaibigan ko sa puso at sa buhay mo. Pero hindi naman siguro masamang umasa. I've been a coward all my life but you are an exception to that. For once in my life, gusto ko namang maging matapang. I wanna be brave and it's because of you kaya lalaban ako. Sasabihin ko kay Nyx kung anong nararamdaman ko para sa'yo at lalaban ako. Ikaw na ang bahala sa dulo kung sino sa aming dalawa."
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago nagmamadali na ring umalis sa lugar kung nasaan siya. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko. Hindi maganda.
Bakit kailangang maranasan ko pa ang mga nababasa ko lang sa libro noon? Ang mga napapanood ko lang sa pelikula noon?
Talaga bang ito ang nangyayari kapag maganda ka? Charot. Hindi ko na alam. Paano si Aisha ngayong ganito ang nangyayari? Ayoko siyang saktan. Anong gagawin ko para magawa 'yon at maprotektahan siya?
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Legit
General FictionWho could have thought that a simple debut party can change someone's life forever? Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlucky in love finally heard someone tell her "Gusto Kita, Legit." Will she fall for the trap or will...
