Who could have thought that a simple debut party can change someone's life forever?
Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlucky in love finally heard someone tell her "Gusto Kita, Legit."
Will she fall for the trap or will...
"Ate gising! Ang ganda ng sunrise!" Yinugyog ako ni Olivia kaya agad ko ring naimulat ang mga mata ko. Nakita kong lumabas na siya ng tent kaya bumangon na rin ako at inayos ang sarili ko.
"Good morning, Avia!" Sumilip si Nyx sa tent namin dahil bukas na rin naman iyon. The guy was all smiles at me.
I smiled back. "Good morning, best boy."
Mas lumawak ang ngiti nito. Naramdaman ko naman si Aisha na kumilos sa tabi ko. Babatiin ko dapat siya ng magandang umaga pero ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin at agad na ring lumabas.
"Anong nangyari ro'n? Ayos lang ba kayo?" tanong ni Nyx sa akin. Tumango lang ako at lumabas na rin.
Tumayo naman si Nyx saka inalalayan ako. Nagpasalamat lang ako sa kaniya bago kami tumabi na rin sa mga kasama namin na nanonood na rin sa pagsikat ng araw.
It's beautiful.
"Ang ganda, Nyx," komento ko habang nakatingin sa araw.
Inakbayan naman ako ng katabi ko.
"Mas maganda tignan 'yan kapag ganitong kasama kita palagi. To more mornings together?" he said.
Lumingon ako sa kaniya saka ngumiti.
"I mean, kahit wala pang label. Kahit hindi pa kita pwedeng ligawan. We can still watch sunrises and sunsets together, right?"
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ko. "Oo naman 'no. To more mornings together," tugon ko at inakbayan na rin siya sa bewang.
Thank you for giving me such kind of peace, Nyx. You're literally the best boy.
I N S T A G R A M P O S T
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Liked by ellecortez, and 234 others
aviannayanayna_ ikaw lang ang gusto kong kasamang salubungin ang mga susunod pang umaga ng buhay ko. thank you for being here, best boy. means a lot.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Liked by aviannayanayana_ and 220 others
nyxruiz_ ang pasayahin ka sa mga susunod pang umaga ng buhay natin. that's the main goal, my Avia. ily.