Kakalabas ko lang ng school. Umupo agad ako sa harap ng computer. Nag-usap kasi uli kami ni Andrei na mag-sskype uli kami ngayon.
"Hi bunso/kuya!" sabay naming bati sa isa't sa. Napatawa kami pareho.
Ilang araw din kaming hindi nagkausap ni Andrei. Naging busy kasi ako sa school. Malapit na kasi ang christmas vacation kaya naghahabol ako sa mga subjects ko. Babagsakin kasi ako sa geography at economics. Ang terror naman kasi ng teacher namin. Ang baba pa nila magbigay ng grades.
I love geography! Hindi siya ang favourite subject ko, which is math, pero super interested ako sa subject na 'yon. Gusto ko kasi mag-travel sa buong mundo. One of my dreams. Kaso ang problema nasa prof e. Napakadaming arte! Kaya stress ako. -.-"
"Kamusta ka na? Namiss kita ah!"
"I missed you, too, kuya! Super stress na nga ako sa school. So far, nakaka-survive pa naman." sarkastikong sagot ko sa kanya.
"Okay lang yan, bunso. Cheer up! Malapit na ang bakasyon. Makakapag-pahinga ka na ng ayos."
Matagal pa kaming nagkwentuhan ni Andrei. Tawa ako ng tawa sa mga pinag gagawa niya. Ilalapit niya ang mukha niya tapos magto-troll face.
"Hahaha! Kuya, tama na! Maiihi ako kakatawa sa'yo e!"
Tumawa siya ng medyo nakakaloko pero cute. Normal na tawa niya na 'yon actually. Super naku-cute-an ako sa tawa niyang 'yun. 'Yun bang parang hagikhik na cute! Basta, cute! Haha!
Tumigil siya sa pag-tawa niya, samantalang ako utas pa din sa kakatawa. Hanggang napansin kong nakatitig na siya sa'kin kaya naman tumigil na ako. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya naman tinakpan ako ang camera.
"Yah! Kuya! Wag kang tumitig! Aish!"
Habang tumatagal nagbabago na ang pakikitungo ni Andrei sa'kin. I mean, hindi naman sa binibigyan ko ng malisya ang mga ginagawa niya, pero iba sa pakiramdam kasi. He's sweeter. Walang araw na wala siyang message sa'kin kahit hindi ko siya narereplyan. May pagkakataon pa na tumatawag siya sa messenger to check if naka-uwi ako ng ayos sa bahay at sinisigurado niya na kumakain ako in time.
"Bunso, may aaminin ako sa'yo." Out of the blue na sabi niya. Bigla akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomansaPaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...