Last week ko na dito sa aking bansang kinalakhan. Shet! Nakakapaiyak! T^T
"Hoy Keira! Anong inaarte arte mo dyan sa salamin? Tumayo ka na nga dyan at linisin mo kwarto mo! Ngayon na nga lang uli tayo umuwi dito hindi ka pa nagaayos!"
Sabi ko naman kasi tahimik ang buhay ko kapag wala si ina. Ang aga aga pa oh! Eto ang bakasyon ko kapag kasama ko siya. -.-"
Isipin niyo ha... alas dose ng tanghali na ako kung gumising nung wala pa sila, ngayon alas otso na! Nakakagala pa ako kung saan hanggang madaling araw noon, ngayon ni gate ng bahay namin hindi ko na mahawakan!
Lecheng buhay 'to! Ang init na nga dito sa Pilipinas buhay impyerno pa din. Wala ng kwenta tuloy ang bakasyon ko! T^T
"Mamaya pupunta kami ng ama mo sa mall at bibili kami ng madadala natin pabalik. Isasama na namin si Kim at si Manang Isang. Dito na kayo ni Keith kasama ni Anna. Tinatamad daw si Keith umalis e." Tamo 'to. Hindi na ako inaya sumama. Tss.
"Lalabas din ako ina. Pupunta ako kina Janine! Sa isang araw may handaan naman kina Krizette."
"At ano? Mag-iinom na naman kayo ng mga kaibigan mo?! Kung anu-ano natututunan mo sa mga yan. Baka mamaya nagda-drugs na kayo at malalaman ko na lamang na pusher ka na!" O_O srsly?!
"What the?! Ang advance naman ng utak niyo ina! Yung totoo, kayo ba ang nakadrugs? Drug lord na ata kayo e!"
"Aba ang lint*k na ito!"
Tatakbo ako sa kwarto at hahampasin na ako ni ina. Siya naman kasi ang OA mag-isip. Ako? Pusher? Nagda-drugs? Hindi ko na nga yun kailangan! Hahahaha!
Matiwasay akong naglilinis ng kwarto ko habang nakanta. Naalala ko bigla si Andrei. Napatingin ako agad sa cellphone ko at ang dami na palang text. Puro na lang si Andrei. Napangiti ko at hindi ko yun agad namalayan.
To: Andrei
Good morning bunso qy! Almusal na tayo!
---
Bunso qy, wla aqng trabho ngaun.. Wla pa dw kcng bgong projct at hnd p kme kailngn.. Have a nys day bunso ko!
---
Bc cguro ang mhal qng bunso..
Mas lumapad ang ngiti ko sa last text niya 5mins ago.
To: Andrei
Bunso ko, hindi tayo tao. Hindi din tayo hayop, at mas hindi tayo bagay. Kasi alam mo, PERA tayo! PERA tayo sa isa't isa <3
Gusto kong magwala sa sobrang kilig. Gusto kong tumalon, tumili, manghampas!
Bakit ba kasi siya ganito? Minsan gusto ko na din maniwala kay Francesca na baka nga may something na si Andrei para sa'kin. Kaso ang hirap naman mag-assume.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan at namumula ka pa?! Sino yang katext mo? Di ba sabi ko maglinis ka?!" pagtataray ng magaling kong ina.
"Kei, kalma. Menopausal stage na siguro yan kaya ganyan." bulong ko sa sarili ko. u.u
"May sinasabi ka?!"
"Wala! Mainit lang kasi kaya dun na kayo at naabala niyo ako." alibi ko sa kanya sabay punas sa side table ko.
HELL! Yun yung lugar kung nasan ako ngayon. Bow! u.u
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomansaPaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...