KEII's POV
Bangag akong pumasok sa school ngayon. Hindi ako nakatulog buong gabi. My curiousity killed me to death. Buti na lang hindi literal.
Kaninang umaga'y hindi ko na naabutan si ama dahil morning shift siya this week. Kinulit ko si Jace habang nagaalmusal kanina pero wala siyang sagot na binigay kung hindi yung nakakaloko niyang ngiti at isang peck na halik sa pisngi bago umalis ng bahay. Buti at nagtatakbo siya kung hindi ay baka binangasan ko na ang mukha niya.
Okay. We know that's never gonna happen.
"Alam mo sa totoo lang, Kei, kung ako ang tatanungin, siya na!" Agad naman 'tong si Cristina. Masyado nila akong pinupush kay Jace.
Hindi naman sa ayoko kay Jace, hello naman, ultimate crush ko nga di ba? Pero parang ang hirap naman kasing paniwalaan na ang ultimate crush mo ay may gusto sa'yo.
"Oo nga, Kei. Ang gwapo gwapo kaya niya! Pero mas type ko si Davide." kinikilig na sabi pa ni Olivia. Tsk. Kaibigan lang turing ko kay Davide.
"Haba ng hair mo, Kei! Abot hanggang Vatican!" panunukso ni Cristina.
"Asan na ba si Mary? Magbabanyo lang, isang oras? Hoy, Mary! Anong petsa na!? Baka nadun na si Moscatels. Lagot na naman ako dun." Si Moscatelli ang prof namin sa geography. Yun yung sagad sa buto ang pagka strikto. Mabait naman siya at times. At times nga lang. Haha.
"Hinigop na ata ng bowl. Nasama sa flush. Hahaha." Sabay sabay kaming nagtawanan nang biglang lumabas si Mary sa cubicle.
"Eto na nga." Inabot niya sa akin ang tissue.
Hinintay namin siyang makapaghugas ng kamay saka lumabas ng banyo. Girl problems. Palaging barkadahan, magbabanyo lang naman. Haha. Bakit nga ganon no?
Humiwalay ako sa kanila nang makarating sila sa tapat ng room nila. Ang daya nga e. Sila kasing tatlo magkakaklase, ako forever alone. Spanish kasi yung second language na inaaral nila, ang sa akin ay french. Kaya hiwalay ako sa kanila.
---
"So, sino ang bet mo sa tatlo? Si Jace, nagustong gusto ng parents mo at ultimate crush mo? Si Andrei, na umeeffort lagi para makausap ka kahit super laki ng agwat ng oras niyo? O si Davide, na ka-flirt mo lang dati na nagawa mong pa-in love-in sa'yo?"
Talagang hindi nila ako titigilan sa love life ko. Nakalabas nakami at lahat, eto pa din ang topic. Nakakabano na.
"Well, si Davide talaga, waley. Tapos na talaga ang sa'min. Siya lang ang may gustong magpalalim ng lahat. Kay Jace kasi natatakot ako. Alam niyo 'yon? Super crush ko siya tapos gusto siya ng mommy. Baka kasi nadadala lang ako sa ganon."
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...