Chapter 6 - The Boys

275 12 3
                                    

-KEi's POV-

"Manang Ising!!!" sigaw ko mula sa kwarto ko. Bakit ba? Sarado kasi ang pinto kaya ganyan ako maka-sigaw. Haha!

Dali daling umakyat si Manang Ising at biglang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Haha! Sabi ko naman kasi sa inyo wag niyong bibiglain si Manang Ising. ~.^

"Kei, anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Manang. Napa-peace sign na lang ako sa kanya. (^_^)v

"Wala naman Manang. Itatanong ko lang sana kung naplantsa niyo yung dress ko. Alam mo namang ayaw ko yun ipaasa sa iba."

Si Manang Ising lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko sa pamamalantsa. Yung isa kasi naming kasambahay ay bago lang. Mahirap na, baka masira pa ang dress ko lagot ako kay ina. -.-"

"Oo naman. Kagabi pa. Ikaw talagang bata ka, kala ko naman kung ano nang nangyari sa'yo dyan."

"Haha! Sorry po Manang. Kayo naman kasi, hindi niyo agad ako pinagising kay Ate Precy. Yan tuloy, dali-dali ako. Haha!" Nakatulog kasi ako ng hapon. Nabored kasi ako.

"Pasensya na. Ang ganda kasi ng palabas sa HBO. Ano bang oras ng alis mo?" Oh di ba sosyal lang ni Manang? Pa-HBO HBO na lang. Haha!

"6 daw po ako susunduin ni Cholo dito e. Ayoko naman din kasing mag-drive, hassle."

San kami pupunta?

Nalaman kasi ng student school president ng batch namin nung high school na madaming nag-uwian this year kaya nag-decide siya na magka-get together party ang batch namin sa hotel ng isa naming ka-batch. Oh huh?! Mayaman!

Sa isang private school kasi ako grumaduate. Hindi man ako star section kasi hindi ako katalinuhan, hindi din naman kabobohan, madami naman akong friends sa school. Isang normal friendly student ako nung high school. Merun din sigurong hindi nakakakilala sa'kin pero mas madami ang may kilala sa'kin.

Kaibigan ako ng lahat pero syempre iba pa din yung mga TRUSTED friends mo di ba?

Wala pang 6 sinundo na ako ni Cholo. Kaya yun, nagintay siya ng matagal sa'kin. Ang arte niya e. Excited lang? Haha.

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon