Chapter 21 - Despedida

136 7 4
                                    

"Hindi ko na alam kung tama pa ba 'tong ginawa ko, pero alam kong kailangan ko nang tapusin to!"

"Basha, mahal mo pa ba ako?"

"Poy, I'm so sorry."

"Huhu-huhu-huuuh... *hik hik*"

*Beep*

Ano ba naman 'to? Kakasimula ko pa lang magdrama oh! Panira 'to. Sino bang hudas na pang-gulo 'to?!

From Cholo

Bansot! Si Janine! Emergency! May nangyari kay Janine! Punta ka dito sa bahay nina Krizette! Daliiii!!! :'(

Hah? Ano daw?! OMG! Anong nangyari dun?! Pinilit kong tawagan si Cholo pero hindi siya nasagot. Leche!

Tatakbo akong bumaba at kinuha yung susi ng kotse na nakasabit sa may pinto. Binuksan ko ang gate ng garahe at nagtatakbo papasok ng kotse.

"Manang! Pakisabi kina ina at ama nakina Krizette ako! Emergency!"

Hindi ko na inintay ang sagot ni Manang. Pinaharurot ko agad ang kotse papunta kina Krizette. 15mins by car lang naman ang kina Krizette mula sa'min kaya mabilis lang akong nakarating.

Pagbaba ko ng kotse, tatakbo uli ako papunta naman sa bahay nila. Sige lang! Hingal na hingal na ako, shete!

Pagkadating ko dun, patay ang ilaw. Madilim. Asan ang mga 'yon?

"Krizette!!! Cholooo!! Tao po!!!"

Kinatok ko ang gate nina Krizette pero wala pa din nasagot. Since bukas na naman 'to, pumasok na ako. Hindi naman ako mukhang magnanakaw sa cute kong 'to 'no!

"Krizette!!! Tao po!!!" Lentek! Mukhang ginagago ako ng mga 'to ahh!

"Putek! O lalabas kayo ngayon na, o... lalabas kayo!" tsk! Wala na ako maisip e! Haha!

Pinihit ko ang door knob at nagbukas ito. Pushaks! Pag ako nabaril dito talaga at napagkamalang magnanakaw malilintikan talaga ang mga 'to sa'kin! Inabala na nga nila ako sa panunuod ko ng favourite kong movie ever, tapos eechosin nila ako!? Si Popoy at Basha 'yon! One more chance 'yon! Tsk!

"Hooooyyy!! Tao ako!!!" -.-"

Pagkabuhay ko ng ilaw nila...

*krooo krooo krooo*

Wala pa din amp*ta! >_____<

Anebe?! I'm freakin' out here na ha! My goodness! I'm being conyo na sa kanila! Like duh! -_-"

Pumasok pa ako sa loob at...

"Happy Trip Keipot!!!"

"Merry Christma---!"

Binatukan ni Yvette si Eric sa katangahan na naman niya. Hahaha!

"Anong Merry Christmas?! Kahit kelan ang bobo mo talaga ever!" inis na sabi ni Yvette.

"Wow! Nagsalita ang Top 44 sa klase nung high school." pamimikon ni Eric sa kanya. Sinasadya na naman niya pikunin si Yvette. Halata na naman kasi. Haha!

"At least hindi putot katulad mo!"

"Pareho na din 'yon! 45 lang naman tayo sa klase nun, noob!"

"Aba't sumasagot ka pa?! Ako ba pinipikon mo?!" Sa huli siya din ang maaasar. Haaay. Mamimiss ko sila! :(

"Hay nako! Kayo na lang ba lagi ang intro natin sa bawat pagsasama natin?" pagpapatigil ni Janine sa dalawa na may kasamang pag-irap pa.

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon