Chapter 8 - Slow motion

233 12 3
                                    

Napag-isip isip ko lang, sayang! Sana pala si Jace na lang ang partner ko! Di ba siyempre dadating kami sa level ng game na hindi maiiwasan na mapayakap ako sa kanya di ba? Haha! Ang landi ko! :p

Nagtataka din kasi ako, hindi naman kasi mahilig sa mga ganitong games si Andrei, pwera na lang pilitin siya. Pero talagang nakipagtalo pa siya kay Jace. Ang weird talaga niya. 

Kanina pa halos nakapag-start ang game. Nung una madali lang hanggang sa lumiit na ang tiklop ng tinatapakan namin. Ngayon, sakto na lang sa dalawang paa.

Iilan na lang din ang natira. Four pairs na lang kami. Sina Janine at Cholo nagpa-out na agad kasi alam nilang manananching lang sa kanila yung partners nila. Haha! I know them too well.

"Next stop guys, kelangan nakahawak ang isang kamay niyo sa tenga ng partner niyo at magkadikit ang pisngi." sabi ng SSP namin. (school student president)

Ang dami talagang kalokohan ng SSP na 'to. Okay lang sana kung si Jace pa ang partner ko kaso si Andrei. Conservative na nga, medyo awkward pa kasi alam kong he's not that type of guy na makiki-ride lang sa mga kalokohan ko. Madami siyang kalokohan pero kapag babae ang usapan, masyado siyang marespeto.

Nagstart na uli ang music. Ang tugtog ay "Boomerang" by DJ Felli Fel ft. Akon, Pitbull, Jermaine Dupri. Since gusto ko i-enjoy ang larong 'to, talagang gumiling ako kay Andrei. Bahala na pag pinagalitan na naman niya ako. Haha!

Pakinig kong naghihiyawan ang mga tao sa loob ng hall. I'm not an attention sicker, talaga lang nakakapasayaw din naman ang kantang 'to.

"Sh*t!" I heard Andrei cuss. "Kei, st-"

Biglang tumigil ang tugtog. Binuhat ako ni Andrei at idinikit niya ang pisngi niya sa'kin.

"Hold my ear." sabi niya kaya hinawakan ko agad ang tenga niya.

Nagtuloy-tuloy na ang laro hanggang sa dalawa na lang kaming natira. Sina Nate ang kalaban namin. Ang tibay niya ahh! Haha! Isang pang awkward dito, every move I make, tinitingnan niya. What's with him?!

"Next stop, forehead to forehead and nose to nose."

What the hell?! Walang ganyanan!

Nagsigawan uli ang mga tao. Puro kantsawan ang napapakinggan ko.

"Andrei, ang swerte mo!"

"Sana ako na lang partner mo Kei!"

"Yiiiiieee~ Go Kikay! Halikan mo na si Nate!"

"Nate, don't be distruct! Haha!"

"Palit na lang ng partners!"

-.-"

Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pang patay ang SSP namin.

Nagsimula ang tunog. Hindi na lang ako nagpahalata na apektado. Kunwari okay lang sa'kin para naman hindi mahaluan ng malisya. Sumayaw lang ako ng sumayaw. Dapat pala uminom ako ng konti para naman mas enjoy ko. Mamaya na lang.

Habang nagsasayaw kami ni Andrei may sinasabi siya sa'kin. "Kung gusto mo magback out, okay lang sa'kin bunso."

Tumingin ako sa kanya at umiling. "No, kuya. Let's just enjoy the game. It's okay."

Tumango naman siya as a sign of agreement. Hindi ko naman dapat nilalagyan ng malisya lahat ng 'to. This is just a game anyway.

The music stopped. Aga akong binuhat ni Andrei na pangkasal kaya nabigla ako. Idinikit din niya agad ang noo niya at ilong sa'kin. Para akong naduduling habang nakatingin sa mga mata niya. Ang ganda ng mata niya talaga. Kung hindi ko lang naman kasi siya kuya-kuyahan, malamang sa malamang crush ko na siya. Ang lakas kaya ng appeal niya. Tahimik na makulit na maloko na medyo mysterious-look pa.

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon