JACE's POV
"You're breaking up with me? No, you're not doing this to me, Jace." Hindi ko na alam kung paano ko pa ipapaintindi sa kanya na hindi na kami maaayos pa.
"That's what I'm actually doing right now, Charmie. Araw-araw na lang tayong ganito. You never had time with me. Lagi kang nasa mga kaibigan mo! This relationship will never work. Let's break up." inis kong sabi. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at pumasok. Pinaandar ko agad ang makina ng walang lingon-lingon. Mag-iinarte na naman siya, I'm sure.
I'm done with her craziness. I'm not stupid. Alam kong kaya lamang niya ako sinagot ay para hindi siya mapag-iwanan ng mga kaibigan niya na may boyfriend din. Saka lang kami magkakasama tuwing pupunta siya sa pub at parties na kailangan niya ng boyfriend na kasama.
Inintindi ko ang mga ginagawa niya. I thought gano'n lang talaga siya. Pero hindi. Kapag wala ako, may ibang lalaking sumasama sa kanya. Ginagawa lang niya akong props. Akala niya hindi ko iyon nalalaman.
Dumating ako sa bahay at naabutan ko sina mama na nag-uusap usap sa sala.
"Ad'yan ka na pala. Sakto. I want to talk to all of you." sabi ni Papa.
Umupo ako sa single sofa na kaharap lang ng isang single sofa din kung saan naka-upo si Papa.
"Tungkol ba saan, Pa?" takang tanong ni Jopet, kapatid ko.
Tumingin si Papa kay Mama saka siya nagsalita. "Nag-usap na kami ng Mama niyo. We're leaving."
"We? Kayo, o tayo?" Saan naman sila pupunta?
"Tayo, Jace." sagot ni Mama. Tumingin ako kay Papa. Naghihintay ako ng sasabihin niya.
"I had a contract with our Italian client yesteday. The company gave us this big project. Napakalaking-boom nito sa kompanya at kami ni Tito Gary niyo ang napili para sa project na ito. So napag-isipan kong i-sama kayo doon. You can continue your studies there," Tumingin siya sa'min pareho ni Jopet. "kayo ni Jopet. The company already offered me scolarships para sa inyo sa American School of Rome. That's a good offer kaya naman hindi ko na tinanggihan. Three to four years lang 'yong contract. We'll be back here after. Total, by then, tapos ka na, Jace, with your course. It's up to you if you want to take masteral."
Nakinig lang ako sa mga paliwanag niya. I don't mind leaving the country, neither the school. Wala na akong dahilan para tanggihan 'yon. And besides, sa Italy 'yon.
This is my chance.
After 2 months naayos na ni Papa ang mga papeles namin. Buti na lamang daw at hindi kami nahirapan sa pagkuha ng Visa namin. Tinulungan daw kasi kami ng company para maayos lahat ng documents in just a period of time.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomansaPaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...