"Leche namang giants yon! Bagal na bagal maglakad. Naubos na ang oras nadon pa din sa pwesto niya." inis na sabi ko habang naglalaro ng clash of clans.
"Aba kambal, kalma! Puro ka na coc! Maatake ka sana! Yung ubos lahat ng pera at elixirs mo!" inis ding sabi ni Francesca.
"E che cazzo!" Ibinato ko ang cellphone ko sa lamesa at masamang tumingin sa kanya. "Sige inisin mo pa ako. Ikaw ang aatakihin ko." Iniripan ko siya saka hinablot na kinuha ang pringles na hawak niya.
(a/n: ang word na 'che cazzo' po ay mura. Hindi ko na po sasabihin ang meaning... o nasabi ko na dati? haha!
"Bastos natin ahh! Hmp! Para coc lang nagkakaganyan ka na! Ano bang meron ka ha?!"
"Natalo ako. Limang sunod-sunod. Tingin mo sasaya ako don?!"
"Hindi ka kasi marunong umatake Ciccia. Haha!" singit naman ni Alden.
"Ewan ko sa inyo! Mag-sama kayo!" Tiningnan ko sila pareho ng masama bago mag-walk out. Napakinggan ko pang humagikhik si Alden. Ugh! Kinuha ko muna ang kaha ng yosi ko sa bag ko. Lumabas ako sa terrace ng bahay nina Alden saka nagsindi ng sigarilyo.
Nakaka-stress din nga pala talaga minsan ang clash of clans. Walanjo! Napapakamot na lang ako sa ulo ko.
"Hoy Keira! Sa'n ba punta natin ngayon? Tinatamad ako tumambay lang." pag-ingit ni Francesca.
Lumingon ako sa kanya. Nakita kong nakakalong siya sa kaliwang hita ni Alden habang nakapulupot ang braso niya sa leeg nito. Napakunot ang noo ko. (Sorry, gustuhin ko man itaas ang isang kilay ko, hindi ko kaya dahil hindi ako marunong.)
"Ba't ang sweet n'yo? Gusto n'yo maghiwalay?" Bitter ako ngayon. Bukod sa dahil nga sa clash of clans, wala akong kapartner ngayon. Wala kasi si Davide. May practice daw siya ng soccer.
"Wag kang bitter!" taas-kilay na sabi ni Francesca. "Rispondimi invece." (Sagutin mo na lang ako)
"Wala. Uuwi na lang ako." hinagis ko ang pupos ng yosi ko sa labas ng terrace. Naglakad ako sa loob para kunin na sana ang bag ko.
"Macchecazz! Ikaw ang nag-yaya sa amin pumunta dito tapos ikaw din ang unang uuwi? Non mi pija in giro, Kambs, hindi ka nakakatuwa." (macchecazz =whatthefvck; non mi pija in giro = wag mo akong niloloko)
"Mukha ba akong nagpapatawa?"
"Hindi ka aalis! Tara na lang sa practice ni Davide. Enjoy naman natin ang Sabadong 'to! Sa isang araw pasukan na naman!" Tumayo siya at kinuha ang bag niya.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...