Chapter 10 - Jace vs Bagyong Maring ft Habagat -.-"

224 12 2
                                    

"Thanks sa paghatid. Sa susunod stroll naman para masaya." sabi ko sabay kindat at sara ng kotse niya.

"Sige ba! Basta ba ililibre mo ako."

"Tss. Ikaw ang mayaman dyan! Hahaha. Sige na. Ingat ka sa pagda-drive ha! Salamat uli."

Bago pa man siya makaalis biglang lumabas ang lola ko.

Patay!

"Ateeeee!!!" sigaw ng kapatid ko na kasunod lang ng lola ko kaya napatingin din si Jace.

Pinatay niya muna ang makina ng sasakyan niya at bumaba. "Magandang gabi po!" bati niya sa lola ko.

Lumapit agad ako sa lola ko para magmano.

"Ate, di ba siya si-" Tinakpan ko agad ang bibig ni Keith kasi madaldal siya. -.-"

Tumingin ako kay lola na nakatingin pa din kay Jace. Bigla siyang tumingin sa'kin na ikinangiti ko ng pilit. Galit na ang inay kasi e.. >.<

"Pumasok ka muna iho." maikling sabi ng lola ko at walang ano pa'y nagdiretso na papasok ng bahay.

Napatingin ako sa kanya at bumulong ng sorry. Pero siya steady lang at parang hindi man lang kinakabahan. Alam niyo yung pa-cool lang siyang pumasok sa loob ng bahay ng lola ko ng walang pag-aalinlangan at takot.

Siniko ko siya ng bahagya, "Lakas ng self confidence ahh! Kung makapasok parang close kayo ng inay." bulong ko sa kanya.

"Ano naman ang ikakatakot ko? Pogi naman ako at magalang. Wala naman siyang mapipintas sa'kin. I have the guts!" OMG! Yung totoo. Pati ba dito sa bahay namin hinabagat na din? Ang lakas ng dala niyang hangin!

"Grabe lang ang dala mong bagyo! Dinaig mo pa si maring!"

Natahimik kami nang maupo na kami sa sala. Tinitingnan lang kami ni inay, samantalang yung kapatid ko ay halatang pinipigilan ang kilig. Wag niyo na itanong kung bakit kasi crush din niya si Jace ko. Dapak!

"Bakit ginabi na kayo ng uwi? San kayo nanggaling? Alam ba 'to ng ina mo Kei?" basag ng inay sa katahimikan. Okay. Seriously 'nay.

Hindi naman kasi talaga strict ang lola ko. Mabait yan at napaka-mapagmahal. As in siya ang the best lola ever in the whole wide world. Yun nga lang, antik talaga ang isip niya. Pagdating sa boys at pag.aaral, mahalaga yun sa kanya since teacher siya noong kapanahunan pa niya. Kaya eto, siguradong patay akesh sa kanya today. >.<

Sasagot na sana ako nang biglang umimik si Jace.

"Mawalang galang na po lola. Galing po kami sa birthday ng classmate namin. Nagkasiyahan lang po ng konti kaya po ginabi na. Inihatid ko po siya para naman po hindi siya mapahamak sa pag-uwi. Mahirap na din po kasi kanina ay malakas po ang ulan." nganga akong napatingin sa lola ko. Wow naman! Ang isang Jace Reed Cuevas, na anak ng isa sa pinakamagaling na engineer sa pilipinas, ay kayang maging sobrang galang na ganito? At wag ka sa palusot niya! As in WOW!

Tumigil agad ako sa pagkakamangha ko nang matapos din siya. "'Nay, nagpaalam po ako kay ina na pupunta ako kina Janine. Nagkataon lang na tinext ako ng mga classmate ko kaya pumunta na din ako. Thank you nga po sa kanya kasi inihatid pa niya ako."

Lumapit ako sa inay lalo para lambingin siya. "Paano na di ba 'nay kung hindi niya ako hinatid? Baka mapahamak ako kasi ang lakas talaga ng ulan kanina. Buti nga po at tumila na." pagpapatuloy ko.

"Kumain na ba kayo? Kumain na kayo. Halina kayo at baka lumamig pa ang pagkain." mahinahon na sabi ng inay. Ha-ha! Epektib! ;)

"Ahh, lola. Aalis na po ako. Madilim na din po kasi at baka maabutan pa din po ako ng malakas na ulan sa daan. Pasensya na po. Sa susunod na lamang po siguro." sabi ni Jace na nakahawak sa kanyang batok. Malamang busog na 'to kanina pa sa alak. Hahaha!

"Oo nga 'nay. Kawawa naman." pagkumbinsi ko sa inay.sigurado kasing magpupumilit siya.

"O sige iho. Sa susunod na lamang. Ingat ka sa pagmamaneho mo at salamat sa paghatid sa apo ko. Ay, ano nga palang pangalan mo iho ng ma-ikwento ko sa nanay niyan na may lalaking naghatid sa kanya na gwapo at magalang." weh?! O______O

"Naaaay! Lalaki ang ulo niyan! Don't say bad words!" Tiningnan lang ako ng inay kaya tumahimik na lang ako. Sige, palakihin niyo ulo niya hanggang sa magka-hydrocephalus na yan.-.-"

"Haha. Thank you po. Jace Reed Cuevas po. Sige po lola. Thank you po uli."

"Ahh, 'nay! Ihahatid ko lang siya sa labas." hinila ko na si Jace palabas at baka kung ano pa ang masabi ng inay sa kanya.

Tahimik lang kaming lumabas ni ulupong, este ni Jace pala. Hahaha. Nang makarating na kami sa tapat ng kotse niya wala pa din nagsasalita. Di ko alam kung bakit. Hiya ako e. Hahaha. Arte lang!

"A-Ahm. Sige na. Umuwi ka na at baka nga umulan pa. Salamat uli sa paghatid at sa pagpapaliwanag sa inay." mahiya-hiya kong sabi. Nga naman oh! May hiya pa pala ako sa katawan pag dating sa kanya 'no?

"Salamat lang? Yun na yun? May bayad yon!" ampooot! Binabawi ko na sinabi ko! Hindi pala talaga dapat mahiya sa ulupong na 'to kasi baka lamunin ka ng kayabangan niya!

"Aish! Ano naman yon?! Grabe ka! Wala akong pera! Pulubi ako!" angal ko sa kanya.

"Pulubi ba ang tawag sa naka-iphone 5 at nasa isang magandang village ang bahay. Tapos ang bahay ng lola 3rd floor? Lokohan 'to tikya?!"

"Ano bang gusto mo ibayad ko? Wala akong pera! Budget ko ang pera ko 'no?!" tunay naman kaya! Pang-gala ko lang 'to. Pang-kain, pamasahe, pang-load, pang-shopping!

"Mayaman ako kaya hindi ko na kailangan ng pera." pagmamayabang na naman yan! Nadadala na akong hangin. Tali please! -.-"

"Ay! Sorry naman! Hiyang hiya naman ako sa kayamanan mo." sarkastiko kong sagot.

"Aish! Tama na nga! August 7, 3pm, sa bahay ko. Pupunta dun lahat. Wag kang mawawala ahh!"

Pagkasabi niya nun ay sumakay na agad siya sa kotse niya at agad na pinatakbo ang kotse. Hindi pa man ako nakakapasok ay napapakinggan ko na ang mga uchisero at uchiserang kapitbahay ng inay na nagbubulungan. Bulong nga ba ang tawag dun sa pakinig mo na galing sa kabilang bahay?

"Leng, sosyal na si Kei. Galing lang ng Italy may lalaki ng naka-kotse na naghatid sa kanya. Gwapo pa!"

"Oo nga, leng. Paligawan natin kay Kenneth! Baka magustuhan din ang anak natin. Mas gaganda ang lahi natin!"

Leng ang tawagan nila, as in 'darleng'. Ang baduy! Pati anak nila ipapaligaw sa'kin? Eeww! Ang baduy kaya nun! Yak!

~~~******~~~

to be continued...

As promised! Short update for you guys! Haha. Next chappy drama na uli tayo. Yun naman talaga ang genre ng story na 'to. Romance, drama, comedy. :p Pinipilit kong maging comedy kahit hindi nakakatawa siguro yung iba. Ako tawa lang dito habang nagta-type. Pagbigyan niyo na. Hahaha.

Comment.

Vote.

Share.

BeFan.

Thanks for reading~

Lovelovelove :)

khaycee16 

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon