Chapter 23.1 - Author's flashback of the story

80 5 1
                                    

-KEI's POV-

Amoy na amoy ang simoy ng dagat. Huli kong check sa orasan sa cellphone ko ay alas dos na halos ng  hapon, kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng tirik na tirik na araw na dumadapo sa aking likuran.

Nadito lang ako sa tabing dagat. Nakadapa sa malapad na banig na stripes of red, white, yellow and green habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Parang isang normal lang na araw sa beach. Madami-daming tao ngayon dito, siguro kasi nga malapit na matapos ang bakasyon kaya sinusulit na din nila. Ilang araw na lang kasi ay autumn na. Medyo lumalamig na nga rin sa umaga pag minsan.

Nakakainis. Magpapasukan na naman. Mag-aaral na naman. Parang kailan lang nasa Pilipinas pa ako, kasama ang mga kaibigan ko, ang lola ko, mga pinsan ko. Ano ba yan?! Mag-iisang linggo pa lang akong nakakabalik e na-hohomesick na ako agad. Enjoy kasi ang bakasyon e.

*FLASHBACK*

Isang araw bigla na lamang binalita sa'kin nina ina na uuwi na daw uli kami after 2 years. Akala nila hindi ako matutuwa kasi iniisip nilang hindi pa ako nakaka-move on sa nangyari sa'kin 2 years ago.

After kasi ng graduation ko nung high school ay dinala na kami ng mga magulang ko sa Italy. Sa Pilipinas naman kasi talaga dapat kami titigil kung hindi lang ako niloko at pinag-mukhang t*nga ng ex kong si Nate. Nakita ko kasi siya na may kahalikan sa classroom na ibang babae.

Matagal ko na noong napapakinggan sa iba na may ganun na ngang nangyayari, pero hindi ko sila pinakinggan. Kahit barkada ko sinabi na din sa'kin noon, pero hindi ko pinaniwalaan. Hanggang sa isang araw, the unexpected happened.

From that day, I've been broken. I cried for hours. Hindi ko magawang kumain. Hindi ko magawang lumabas ng kwarto kung hindi lang siguro kailangan kong pumasok para sa graduation practice. But even there I wasn't in myself. Tulala lang ako. Hindi makausap. Ang daming tanong noon sa isip ko. Pero wala akong nakuhang sagot. May times na nag-try lumapit si Nate sa'kin pero hindi siya hinayaan ng barkada. Nirespeto nila ang nararamdaman ko.

Until umalis ako.

For one year, ganon pa din ako. Oo, pumapasok ako sa school ng ayos. In-enroll ako nina ina sa school at kumuha ako ng course na tourism. Engineering dapat sana, kung sa Pinas ako nag-college. Kaso since hindi pa nga ako marunong mag-italian, yung second choice ko na lang ang pinili ko.

Pinilit ko mag-aral kahit hirap na hirap ako. Bukod nga sa hindi pa ako marunong mag-italian, it was still hard for me to move on. I cried every night.

Until one day, parang napa-isip na ako. That I was not myself anymore. I looked so pathetic. That's why I thought of changing myself with the help of my best friend, Francesca. She has been always there for me. I changed from the simple boyish look and attitude to an eye-catching lad. I started putting eyeliner, mascara, and such. I started dressing up like a real lady.

Pero hindi lang pag-aayos at pananamit ko ang binago ko, nagbago din ang pag tingin ko sa mga lalaki. Sa mga mata ko, pare-pareho lang sila. That's why I began flirting with them. Walang nagtagal sa aking lalaki. Pinakamatagal na ang 2 months. I flirted, but I didn't make out. May iniingatan din naman ako.

Hanggang sa naka-move on ako ng ganun ganun na lang. I accepted the fact na ginago lang ako ng first love ko.

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon