KEII's POV
Hindi ako mapakali ngayon. Bakit ba kailangan ko makaramdam ng guilt sa sarili ko? Napag-usapan na naman namin ang about sa amin. Walang namamagitan sa amin ni Davide kung hindi (well, bukod sa pagiging past time namin ang isa't isa...) pagkakaibigan lang. We both know from the very start na I don't want commitments. I'm not yet ready. Not until I came back from the Philippines.
Sabi ko nga handa na ako uling buksan ang puso ko.
Pero bakit nga ba hindi ko magawa kay Davide? He has everything every girls would ask for. Not only physically, but also mentally and spiritually. Then what's stopping me?
Ako mismo hindi ko alam.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya sa mata. "Alam mo naman di ba kung ano tayo, Davide?"
"Lo so. Ma non posso farne a meno. Io voglio te. Penso che mi sono già innamorato di te." Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako mismo sa mata ko. Nakita ko ang sincerity sa mata niya pero bakit wala pa din akong maramdaman? I like him. Pero not enough to say those words because it isn't as deep as it is. He's just a special someone na ayaw ko mawawala sa buhay ko. (Alam ko. Pero hindi ko mapigilan. Gusto kita. I think I'm already falling in love with you.)
"Non so cosa dirti. Per me, sei..." (Hindi ako alam ang sasabihin sa'yo. Para sa'kin, ikaw ay...)
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Biglang bumukas ang pinto ng apartment namin at halos lumuwa ang mata ko sa taong nakikita ko. Ang taong kahit kailan hindi ko aasahan na makita sa oras na 'to at mas lalo na sa lugar na 'to.
"J-Jace???" Napanganga ako at talagang nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Anong ginagawa niya dito? Dito sa Italy? (OoO)
"Uy Tikya!" ngiting ngiting bati ni Jace. Abot tenga ang ngiti niya na halos sumagad na sa tenga niya.
Sa likod niya nadun si ina. "Oh, anak, nad'yan ka na pala! Mabuti naman! May bisita tayo! Kaibigan mo pala si Jace!" Halos bumagsak ang panga ko sa semento sa sinabi ni ina. Kilala niya si Jace? How? When? Where? Whaaaat?!
"K-Ki-Kilala niyo siya, Ma?"
"Oo naman! Anak siya ng kabarkada ko nung college, si Tito Reuben mo! Hindi mo na tanda?" Tito Reuben?
Mas nanlaki ang mata ko. "Anak ka ng Tito Reuben? Paano?!"
Matagal ko na hindi nakikita si Tito Reuben. Bata pa ako no'ng nakilala ko siya. Seven lang ata ako no'n. Nakilala ko si Tito Reuben sa dating reunion nina ina ng barkada niya. Alam ko na may asawa at anak siya na dalawang lalaki. Na-ikwento pa nga niya sa'kin. Tandang tanda ko pa na sabi pa niya kay ina na pagtatambalin daw niya kami ng panganay niya kasi magka-edad lang daw kami. Ang bata bata ko pa no'n.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...