"San tayo pupnta? Hind pa ubosh ang empi!"
"Tulog ka na. Tulog na kayo ni Andrei sa kwarto ni Jace."
"*ugh* *ugh*" Napahawak ako sa bibig ko habang yung isang kamay ko nakahawak sa lalaking sumalo sa'kin.
"Wag! Sa ban-" boses ni Jace?
"*buaaaaaaahhh*"
"Aish! Shete naman, Kei! Sa'kin ka pa talaga sumuka! Iinom inom hindi naman pala kaya." reklamo nung lalaking hindi ko alam kung sino pero para talaga siyang si Jace.
"Bunso ko, okay ka lang? Masakit ba ulo mo? Halika nga." si Andrei? Siya lang naman ang natawag sa'kin ng bunso ko. Alam ko pa ang nangyayari pero naliliyo talaga ako.
"Alice, samahan mo muna sila. Ako na ang bahala kay Jet." pakinig kong sabi ni Nikki.
Pumasok kami sa banyo. Alam kong banyo 'to, kita ko kasi agad ang bowl kaya tatakbo ako dun at sumuka uli.
"Ayan kasi. Hindi naman pala kaya."
Pinahid ko ang bibig ko ng likod ng kamay ko. Medyo nawala yung liyo ko nang makasuka na ako kaya mas alam ko na ang nangyayari. Si Andrei hinahagod lang ang likod ko habang si Alice kumuha ng tissue pamunas sa'kin.
"Oks na oks pa ako 'no? Tara na! Ubusin na natin yung empi!" Ayoko kasi matulog sa kwarto ni Jace. Tss.
"Hindi. Tama na Kei. Andrei, pumunta na kayo ni Kei sa kwarto ni Jace. Dun naman din tayong lahat matutulog. Hihiram lang ako ng damit kay Jace."
"Ayoko pa nga kasi!" angal ko.
"Hay naku bunso. Ang sutil mo talaga. Para kang bata. Tara na... asdfbheubs."
"Eee~ Ayoko pa nga! Naman oh!" pero parang may sinabi pa siya sa huli pero hindi ko na lang pinansin at padabog na naglakad habang hila hila ako ni Andrei sa kwarto.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomansaPaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...