-NATE's POV-
=_=
O_O
=_=
O_O
Nakatitig lang ako sa salamin ng banyo namin. Kakagising ko lang at alas singko pa lang ng umaga. Pero mukhang isang oras na ako dito sa banyo na nakatitig sa itsura ko.
Hindi ko alam kung daig ko pa ba ang sabog sa itsura kong 'to ngayon. Black ang eyebags ko na akala mo'y naka-shabu at naka-tira, dahil na din sa mapula kong mata.
Okay. I admit.
Sino ba naman kasi ang hindi makakatulog sa excitement? Simula nung mai-hatid ko si Kei sa bahay nila nung isang araw, hindi na ako makatulog sa gabi. Kahapon nagpaka-busy ako sa pag-aayos ng mga i-hahanda ngayon.
Binili ko lahat ng ingridients ng paborito niyang pagkain. Ako na ang bumili para malakas si Mama ngayon para makapag-luto ng masarap.
*tok tok tok*
"Nate! Ikaw ba ang nadyan?" katok ni Mama sa pinto.
Nabalik lang ako sa sarili ko dahil sa tawag ni Mama.
"Oo ma! Liligo lang po ako!"
"Kanina ka pa dyan hindi ka pa rin kakaligo? Nakapag-linis na ako ng bakuran ahh!"
Binuksan ko ang pinto para hindi kami nagsisigawan ni Mama.
"Maaaaa..." =_=
"Ay anak ng itik! Anong nangyari sa itsura mo?!" gulat na gulat si Mama.
"Hindi na ako gwapo Ma. Baka iwan na ako ng tuluyan ni Keeiii!!" ungol ko kay Mama. Paano na ang kinabukasan ko kapag nawala siya?!
"Anak! Gumising ka! Dalawang taon ka na niyang iniwan!" Tsk! Panira naman si Mama e! -.-"
"Ma naman eee!! Kala ko ba anak niyo ako? Konting encouragement naman dyan!"
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...