Chapter 11 - More than you'll ever know

199 11 5
                                    

2 years na nang huli akong makapunta sa lugar na 'to.

2 years na nang maramdaman kong muli ang simoy ng hangin dito.

2 years na ang nakakaraan at ang dami ng nagbago, pero...

siya pa rin ang kasama ko sa lugar na 'to.

"Mas maganda na pala dito ngayon 'no?" sabi ko habang namamangha sa nasa paligid ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinasariwa ang hangin.

"Inaalagaan ko ang lugar na 'to. Lagi akong bumabalik dito. Hindi man araw araw pero walang buwan na hindi ako pumunta dito. Basta may time ako, o pag gusto kong mapag-isa, dito ako pumupunta."

Hindi ako agad sumagot. Sa pagpikit ko, naalala ko lang ang masasaya naming memories na naiwan dito noon.

"Namiss ko ang lugar na 'to. Namiss ko lahat 'to." sabi ko sa kanya.

Matagal bago siya nakasagot na siya'ng ikina-bigla ko.

"Ako? Namiss mo din ba?" namiss ko din ba siya?

To be honest? Oo. Sobra! Kung alam lang niya. Hindi naging madali sa'kin ang makalimutan lahat at tanggalin sa katawan ko ang mga nakasanayan ko kasama siya.

"U-humm. Hindi ko naman maiitanggi yun." sabi ko without looking at him. Nanatiling nakapikit ang mata ko. Inaalala pa rin lahat lahat.

 *Flashback*

Naka-upo ako ngayon sa nakalatag na malaking tela at nag-aayos ng aming kinainan.

Napaka-ganda dito. Dito kami napunta tuwing wala kaming gagawin o kaya gusto naming mapag-isa ni Nate o kaya naman gusto namin mag-date na picnic.

Mula dito makikita mo halos ang buong bayan at ang dagat. Nasa isang bundok kami at sa likod namin ay puro mga puno. Hindi naman ito gubat. Masarap ang hangin dito dahil iwas na iwas sa polusyon.

*click*

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon