Hindi ako mapakaling binuksan agad ang pinto ng bahay at dali-daling pumasok sa loob. Basta ko na lang inihagis sa sala ang bag ko saka hinanap kaagad ang charger ng cellphone ko. Low-batt na low-batt na kasi ako. Galing ako ng school. At kaya naman ako nagmamadali ay dahil may naghihintay sa'kin.
Hinintay ko mabuhay ang cellphone ko habang nagbibihis ako. Napabuntong hininga na lang ako. Nai-stress ako sa school. Ang dami naming ginawa at ang dami ko pang dapat pag-aralan. Makakapasa pa ba kaya ako? I wonder. Madali lang naman kasi kung titingnan, kaso italian kasi!
Kung sa english nga ay nosebleed ka na, sa italian pa kaya?! Ano pa siguro kung chinese 'to o arab? Iba't ibang characters pa ang pag-aaralan. Pero iba naman pag korean na. Mas interesting kasi. Haha! Buti na lang at french ang isa kong subject. Mas interesting. Gustong gusto ko kasi matuto ng french.
Pagka-buhay na pagka-buhay ng cellphone ko, nagpunta agad ako sa messenger. May message sina Janine, Cholo, Pollie at Andrei.
Janine Natividad
Hoy bae! Makakapatay na ako ng humba-humba! Lechugas na Rosana yon, may balak pang agawin sa'kin si Mico! Tatawagan ko na talaga si Ka Sirio! Ipapakatay ko na ang baboy na yun! >.<
Reply: Haha! Uso kumalma uy! Tingin mo ba naman maaagaw niya si Mico? Hello?! Itsura!! XD
Christian Lorenzo Perez
Psst
Reply: Psst ka din :)))
Pollie Santos
Keipot! Nabigay mo ba kay Cesca ang pasalubong?
Reply: Oo Pollie! Tuwang tuwa nga at may nakaalala daw sa kanya! hahaha! Thank you daw! ^__^
Hinuli kong buksan ang kay Andrei kahit sa yung pinaka-recent ang message. =">
Andrei Manalo
Bunso ko!
Mahal kong bunso, miss na kita :(
Bunso ko, kain ka na ng lunch mo pag dating mo ok? mahal ka ng kuya <3
Bunso, iintayin kita. dito lang ako sa shop. :)
bunso, dalian mo pag uwi mo.. i wanna talk to you already :(
mahal na mahal ka ni kuya bunso :)
Now tell me how can I reply to those messages! Someone help me breaaaathe! *-*
Reply: Kuya qyyyy!!! Em already here naaa!!! ^O^
Nagbihis muna ako habang naghihintay ng reply niya. Ang cute lang! Nakakakilig! Dapat ba akong kiligin? Ampf! Di ko alam kung ano ba dapat ko ma-feel. Pero may dapat ba?
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...