Chapter 19 - Siya?!

144 8 0
                                    

Tinawagan ko si Francesca sa viber (hindi kasi ako mayaman sa load).

"Pronto kaaaaaammbbbsss~" masiglang sagot ni Francesca. (pronto = hello; ginagamit lang sa pagsagot ng tawag sa phone)

"*sniff* K-Kambs..." sabi ko, pigil pigil ang paghagulhol ko.

"Ha? Ch'è succeso, Kambs? Naiyak ka ba?" (Anong nangyare, Kambs?)

"Kambs, *sniff* ano bang nangyayari na sa'kin? *sniff*" nagsimula na naman magpatakan ang mga luha ko.

"Ano bang nangyare? Wag kang umiyak Kambs! Sino bang may dahil sa'yo? Si Nate na naman ba? Pesteng gago yon! Palagi na lang!"

"Siya nga *sniff* ba ang may dahil Kambs? *sniff* Feeling ko kasi ako. *sniff sniff* Nagpadala na naman ako sa damdamin ko. Kambs namimiss ko siya pero wala na akong nararamdaman sa kanya. Ang gulo gulo Kambs. *sniff*" namamaos na ako sa kakaiyak. Wala na akong paki-alam kung kalat na ang make up ko sa mukha.

"Tumahan ka muna nga dyan Kambs. I-kwento mo sa'kin ang buong pangyayari. Detalyado ahh!"

Kinuwento ko sa kanya lahat, simula nung pag dating namin dito sa hotel hanggang sa nangyare sa'min ni Nate.

"Alam mo Kambs, nadadala ka lang sa mga nangyayari sa nakaraan. Kasi nadyan pa din yung takot mo sa puso mo e. Takot na masaktan uli. Takot na magmahal uli. Siguro nagawa mo lang yun dahil sa kalasingan mo. You missed the feeling of being loved, at hindi siya mismo."

"Siguro nga Kambs dahil dun. Hindi mo naman ako masisisi di ba, Kambs? Siya ang una kong minahal at sa kanya ako unang nasaktan. Alam mo yan!"

"Yun nga, Kambs. Pero kasi base sa kwento mo, halata naman na ganun. Kung titingnan kasi Kambs, siguro nga may something pa si Nate sa'yo, pero obvious na naman na wala ka na. Nasa'yo Kambs ang mali. Yes, you've already moved on, but you also need to forget. Leave the past and live for the present."

"How am I suppose to forget if everytime I see him, he makes me remember all the things he did?!" Masakit pa din e! Sobrang sakit!

"Yan ang isa mo pang problema, Kambs! Hindi mo alam ang gagawin mo kasi you won't let yourself to open up again! Nadyan na, nagiintay, tutuklawin ka na, hindi mo pa ramdam." Napatigil ako sa pagsinghot ng sipon ko at napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kambs! Svegliatiiii! Ayan si Andrei oh! Ayan si Cholo! Ayan pa si Jace!" (Svegliati = gumising ka; pronounced as: svelyati)

Pinahid ko yung luha ko saka nagsalita, "Ano namang kinalaman nila sa paggising ko? Kambs, pwede ba?"

"Aish! Kambs naman e! Ngayon ka pa ba magiging slow? Pwede bang pag balik mo na lang dito nang madali kitang nababatukan? ugh!" inis na sabi niya. Di ko alam kung matatawa ako o hindi kasi sigurado akong nagdadabog na naman 'to na may pagkamot pa sa ulo.

"Hindi pa ba obvious Kambs? Si Cholo, umaasa pa din sa'yo. Si Drei, nagpaparamdam na ng something sa'yo. Si Jace, parang may laman na ang bawat pang-aasar niya sa'yo. I can feel it, teh!" Kalokohan!

"Tss. Tigilan mo nga ako dyan Kambs. Walang talo-talo. Alam ng mga yun yun."

"Hmp! Napipigilan ba ang umibig? Natuturuan ba ang puso? E di sana hindi ako na-fall sa mok-..." Napatigil siya pero tinuloy din niya yung sentence pero mahina na. "...ong na 'to."

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon