Chapter 12.1 - YMSDF

190 9 2
                                    

*sunset*

"Naabutan na uli natin ang sunset." nakangiti kong sabi kay Nate.

"Oo nga. Last time na napanuod ko ang paglubog ng araw, mag-isa lang ako sa bubong ng bahay namin. Pinagalitan ako ni Mama kasi isang araw akong hindi umuwi ng bahay, tapos dumating pa ako ng lasing." napatawa siya pagkakwento niya nun.

"Ang t*nga mo talaga kahit kelan. Alam mo namang bine-baby ka ni Tita, tapos ganyan ka. Hahaha." Bulgar ba? E t*nga kasi talaga. Hahaha! Anyway, only child kasi siya kaya naman alagang-care siya ng mama at lola niya.

"Tch. Hindi na ako bata. Tsaka umuwi naman ako ahh."

"Haaaayyy.. Too stubborn, Nate. Nagpapaka-childish ka na naman." Ganyan talaga siya. Spoiled nga kasi kaya ganyan ang utak niya. Tapos i-dagdag niyo pa ang pagiging oh-so-caring ko sa kanya noon. Mas malala! -.-"

"Hahaha. I knew you would say that! Anyway, gusto ka sana makita nina Mama uli. Kung ok lang daw sa'yo?" patay! Nahihiya ako magpakita kay Tita. >.<

"Sinabi mong bumalik na ako?" sabi ko na may pag-lunok pa ng laway.

"Oo. Nung unang araw mo pa lang dito, sinabi ko na agad. Natuwa nga sila ni Lola kaya gusto ka sana nila makita... uhmm, kung ok lang naman?" ugh. Ano pa bang magagawa ko? Ayoko din naman sila tanggihan kasi super bait nila sa'kin since nung kami pa ni Nate. Sana nga sila na lang magulang ko.

"Uhmm, sige ba! Kelan?"

"Kelan ka ba pwede?" Kelan nga ba? Ano na bang date ngayon?

"Ano na ba ngayon? Bukas may outing kami ng mga pinsan ko. Sa isang araw naman? Sige, sa isang araw na lang." nakangiti kong sabi sa kanya. Namimiss ko na din naman sila. Tinuring na nila ako na parang anak nila noon.

Nung umalis nga ako noon papuntang Italy, tumawag pa siya sa'kin at nag-sorry sa ginawa ng anak niya. Ang sarap niyang maging mommy. Kami kasi ni ina hindi magkasundo. Pareho kasi ugali namin kaya hindi kami in good terms. I'm a daddy's girl. :)

"Good! Sasabihin ko agad sa kanila pag dating sa bahay." ^____^ super saya niya. Halata!

Nang makalubog na ng tuluyan ang araw, naisipan na naming umuwi. Masayang masaya siya kasi nga buong araw kaming magkasama. Masaya din naman ako at hindi ko yun matatanggi. Namiss ko siya at namiss ko ang lahat sa'min.

"Uhmm, sige. See you sa isang araw. Ingat ka sa pag-uwi. Thank you." pagpapaalam ko sa kanya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, tinitigan niya ito saka tumingin sa'kin.

"No. Thank YOU." pag-eemphasize niya sa 'you'. "Thank you kasi pinatawad mo na ako. Thank you kasi pinakinggan mo ang side ko. Thank you kasi hinayaan mo akong makasama ka buong araw. At thank you kasi pinagbigyan mo akong iparamdam pa sa'yo kung gaano kita kamahal."

Kitang kita ko talaga sa mata niya kung gaano siya kasaya. Hindi ko napigilang mapangiti sa kanya. Gusto ko talagang i-balik ang dati kaya binigyan ko siya ng chance. Hindi naman masama yun di ba?

"Wala yun. Sige na, umuwi ka na. Mag-iingat ka, ok?"

Tumango lang siya saka umalis. Inintay ko muna siyang maka-layo bago ako pumasok ng bahay.

Pag-pasok ko sa kwarto ko biglang nag-ring ang cellphone ko.

Andrei Calling...

"Kuya. Napatawag ka?"

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon