-KEI's POV-
"Cholo, 7 o'clock punto dapat nadito ka na! Nakuuuu! Pag na-late ka, sasakalin talaga kita! Isusumbong kita kay ina!"
"Oo na po ma'am! Kung hindi lang ako nahihiya sa mama mo. Tsk. Bakit ba kasi ako pa ang pinili mong maging date mo dun? Pwede naman atang wala e."
"Ee~ Alam mo naman kasing tutuksuhin ako nina Kuya Jazz kapag wala akong date! Sasabihin na naman nila hindi pa ako nakakapag-move on kay Nate!"
"Psh! Naging panakip butas pa... kay Nate na naman. Yang mga manliligaw mo? 'Di mo inaya?"
"Sino bang manliligaw? Wala naman. Si Nate lang kaya ang nagtitiyaga at nagpupumilit. Dali na! Ang arte mo naman kasi!"
"Oo na! Sige na! Kung hindi lang kita... Kuh Kei! May bayad 'to ahh! Ide-date mo ako bago ka umalis!"
"Aba, sosyalin ka! Ako pa talaga ang magde-date sa'yo! Aish! Sige na. Sige na. Basta 7 ha!"
"Aye! Aye boss!"
Binaba ko agad ang telepono saka nagtatakbo papunta sa taas. Kailangan ko na maligo. Mabagal pa naman akong kumilos.
Ngayon na ang reunion ng family namin. Nadito na sina ina at ama, nung isang linggo pa. Kaya eto, hindi na uli ako nakakalabas. Tsk! Miss ko na ang lasa ng alak, ng alcohol! Buti na lang may mga chapagne at cocktails mamaya. Ako kasi at si Kuya Jazz ang nag-request nun kina Tito Ruel.
About naman sa date, hmmm. Si Cholo lang talaga ang naisip ko maging date ko mamaya. Sa hotel kasi gaganapin ang reunion. Halos lahat ng pinsan ko may date, kapag wala akong dinalang date sasabihin nila loner ako at hindi pa din nakaka-move on kay Nate. Excuse me lang! Hindi yun kaya ng pride ko!
~***~
*knock knock*
"Pasok!"
"Keira, nadito na si Cholo. Gwapong gwapo teh!" sabi ni Ate Leslie, isa sa mga kasambahay namin.
"Gaga! Paki-sabi ate baba na ako."
Make-up: check!
Hair-do: check!
Perfume: check!
Accessories, shoes, dress: check!
ME?: check na check na check! ;)
After ko ayusin ang napaka-ganda kong sarili, bumaba na din ako.
"Baba na daw. 30 mins bago bumaba?" reklamo ni Cholo.
"Ang reklamador ng taong 'to! Meron ka ba ngayon? Kanina pang mainit ulo mo." sabi ko sa kanya habang tinitingnan uli ang sarili sa salamin. Inaayos ko lang uli ang buhok ko, nadaanan kasi ng hangin ng electric fan. Hahaha!
"Ano ba kayo? Hindi na aalis? 7:30 na ahh! Male-late na kayo dun! Naku, Kei. Lagot ka na naman sa ina mo pag na-late ka!" puna sa'min ni Manang Ising.
"Pagsabihan niyo nga Manang! Ang kupad kupad! Parang pagong! Tara na nga!"
"Oo na! Eto na nga oh! Grabe mga 'toh!"
Lalabas na sana ako ng pinto pero nag-last look pa ako sa salamin. Hahahaha!
"Keiraaaaaa!!!!" tawag ni Cholo mula sa labas.
"Eto na ngaaaaa!!!"
~***~
Tahimik lang si Cholo sa kotse habang ako kanta lang ng kanta. Gondo kasi ng tugtog sa radio pag ganitong oras. Feel na feel ko pa ang arte ko sa pagkanta. :D
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
Roman d'amourPaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...