Natapos ang gabi na lasing na lasing ako at sabog na sabog. Hahaha! You can't blame me. I'm a party girl and things like these are what I love the most.
Party all night with my cousins. Inokupa na namin ang buong dance floor ng hall. Kahit yung mga feeling bagets naming tito at tita nakisayaw na din. Sa pamilya namin hindi uso ang salitang "KJ" pag pinagusapan na ang party.
Ni hindi ko maalala kung nakailang baso ako ng cocktails. Iba't iba na ang nainom ko, kaya naman bangag talaga ako pag dating ko dito sa bahay. Tumba lang pero hindi naman nagsuka. Oh di ba, sanay lang? :))
Sina Kuya Jazz at Ate Jeza nga halos magstrips na sa sobrang kalasingan. Si Kuya Paul hindi na uminom dahil sina Ate Bianca at yung date ni Kuya Paul sumuka na ng sumuka dun.
Sina Kuya Miggz at Kuya Kent naman ang todo inom dun kasama nung date ni Ate Bianca. Mga sanay na din sila sa inuman, minsan nga sila pa ang nagyayaya sa'kin, syempre ako hindi tumatanggi! Alak yun mga 'tol! Hahaha!
Si Cholo hindi masyadong uminom kasi daw siya ang nagpresentang maghatid sa'kin. Si Nate? Naka-inom din siya. As in lasheng! Actually...
-Flashback-
Medyo tipsy na ako sa sobrang dami ng drinks na nainom ko.
Gegewang gewang akong pumunta sa cr kasi sasabog na talaga ang pantog ko. At pag minamalas ka nga naman nadun na ata sa loob ng banyo lahat ng tiyahin at pinsan ko. -_-" asdfghjkl @&€*¥?!
Nakakapagmura for short.
"Titaaaaaaa!!! Ako muna puh-leaaassee!!" sigaw ko sa tita kong papasok na sana sa cubicle.
Hindi ko na inintay makasagot ang tita ko at papilipit akong tumakbo sa cubicle. Sinarado ko agad, sabay hubo ng mga dapat hubuin.
*Wiswiswiswis* (tunog ng ihi)
*Flaaaaasshhh*** (tunog ng flash)
Whew! Success!
"Thanks tita!"
Hindi na ako naghugas ng kamay. Bakit ba?! Tinatamad ako e. Gusto ko nga sana magyosi kaso bawal naman. Kamag-anak everywhere e.
Paglabas ko ng banyo may biglang humila sa'kin at dinala ako sa... di ko alam kung nasan na kami. Medyo okay na ako pero medyo hindi. Basta! Medyo may tama pa ako kaya wala pa ako sa wisho.
Madilim. Nasa madilim kami.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...