-KEII’s POV-
“Buongiorno! Ano meron?” (Good morning)
Kakagising ko lang. Pagpunta ko ng kusina nadun silang lahat at sabay sabay nagtinginan sa’kin na para bang papatayin nila ako. Ano ba yan? Kakakilabot lang!
Umupo ako sa gitna ni Keith at Kim, dalwa kong nakakabata na kapatid. Si Kim, yung bunso namin. Siya lang ang lalaking anak kaya mahal na mahal ni ina.
They’re acting weird.
“Cosa? Perché mi state guardando così? Che ho fatto?” (Ano? Bakit niyo ako tinitingnan ng ganyan? Anong ginawa ko?)
“Uuwi tayo. Sabi kasi ng Tita Tess mo magkakaron tayo ng family reunion since mag-fi-50th anniversary na ang inay at tatay.” sabi ni Ama. Yun lang pala kala ko kung ano.
“Talaga? Ayos! Teka, bakit parang hindi kayo masaya? Party party! Makikita ko na uli mga kabarkada ko! Kelan ba ang uwi at magiimpake na’ko? Egzoiting toh!” sabi ko sabay subo ng cornetto (croissant).
“Ok lang sa’yo, ate? Hindi ka nabigla?” tanong ni Keith.
“Bakit naman ako mabibigla? Okay na okay nga e! Na-surprise siyempre! Dalwang taon na din akong hindi nakakauwi ‘no?! Miss ko na pati ang mga inay, pati sina Janice, mga barkada ko.” sabi ko, sabay subo uli ng cornetto.
“Baka makita mo uli si Nate. Kaya mo na ba?” sabi naman ni Ina.
“Ano ba kayo? Okay na ako ‘no! Past is past. Makita ko man siya wala na akong magagawa. Magaling kasi buhay pa siya. I don’t even care.”
Walang umimik sa kanila. Kumain na lang ako ng kumain. Ewan ko ba. Parang nagutom ako e.
“Uhmm, kelon toyo aalish.” tanong ko sa kanila. Punong puno ng cornetto ang bibig ko. Pa-tatlo ko na ata toh e. Haha!
“Mauuna muna kayo nina Bebe at kimpot. Susunod na lang kami ng Papa niyo dun.”
“Dopo due settimane partiamo, ate. Non vedo l’ora!” sabi ni Kim. Cute niya, pero mas cute pa din ako sa kanya. Haha! Joke. (After 2 weeks we’ll leave, ate. I can’t wait.)
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...