***
"Keii! Hoy!"
Bumalik lang ako sa reality nang tinawag ako ni Francesca.
(Francesca - pronounced as franchesca; italian name)
"Ano na naman ba nangyari sa'yo?"
"Wala. May naalala lang ako. Tara na nga! San mo ba ako ililibre? Pizza, dali!"
"Anong libre ang sinasabi mo dyan? Namumulubi na ako sa'yo ha!"
"Tamo toh! Parang hindi tayo magkaibigan ahh! Dali na!"
"Tch. Kung hindi lang kita mahal! Pizza lang ha! Baka makahirit ka pa!"
"Oo! Alam mo namang masaya na ako sa pizza e!" *^* Favourite ko kasi ang italian pizzas. Ewan ko ba. Dalwang taon na ako dito sa Italy hinding hindi pa din ako magsawa sa pizza.
Ayy~ Nakalimutan ko na magpakilala. Haha!
Ako nga pala si Keira "Keii" Coleen Madrigal. Etong kasama ko naman ang best friend ko, si Francesca "Franci" o "Chesca" Castillejo. Kambs ang tawagan namin. Para daw kasi kaming kambal. Haha! We weren't best friends before. Classmates lang kami nung highschool. Naging mas close lang kami dito sa Italy.
Pareho lang kami dito pinanganak pero pure pinay kami siyempre! Dun kami pareho lumaki sa Pilipinas. After highschool nauna na ako pumunta dito kesa sa kanya. Last year lang kasi siya dumating dito. Gusto na kasi ng parents ko na magsama-sama na kami dito for good. Isa na din dahilan ang break up namin ng last ex ko...which is my first love.
"Kambs, I got a new guy! Guess who!" excited kong sabi sa kanya.
"Sino? Sino?" excited naman din niyang tanong. "OMG, Kambs! Don't tell me? Kyaaaaaaaa~ Paanoooo?!"
"Anong pano, kambs? Siyempre konting flirt lang yan! Ang dali naman kayang bumigay ng mga lalaki. Tch. Pareho pareho lang sila, Kambs." I smirked at her.
Alam na niya ang ibig ko sabihin dun kaya naman nagreact agad siya.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomansaPaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...