Sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi na ako mapakali talaga. Seryoso at walang halong biro, wala pa akong pinapakilalang lalaki sa mga magulang ko, manliligaw man o boyfriend, bukod kay Nate. At hindi pa yon, my parents met Nate sa skype non. Then my Dad went back to the Philippines to attend my graduation, and there he met him personally. I also invited him in my house before I left the Philippines.
Tanda ko pa nga noon na wala man lang word na lumabas sa bibig ni ama nung time na 'yon. He just smiled and then bumalik sa ginagawa niya. Just like that. Kaya naman ganito ako ka-kabado ngayon.
After being frozen for I-don't-know-how-long, lumingon na ako pabalik sa kusina. Nadun si Jace na naghahain para kina ina, si ama na naglalagay ng mga pinang-groceries sa cabinet.
"Aba! Tatayo ka na lang ba dyan?! Hindi ka na nahiya kay Jace, siya pa ang naghahain para sa amin." Heto na naman po tayo. Nakakahiya na kina Jace minsan. In just a month I'll be turning 19, and yet until now pinagsasabihan pa din ako na parang batang walang muang.
"Okay lang po 'yon, Mommy. Wag niyo na siyang pagsabihan. Here, kumain na po kayo." pagpapakalma ni Jace kay ina.
"Salamat, Jace. Daig mo pa 'tong si Keira Coleen. Ke babaeng tao ang tamaaaad tamad."
"Kumain ka na lang dyan. Hayaan mo na." pagtigil ni ama kay ina. Oh, my hero dad! "Keira, ikaw na ang magtuloy nito."
Iniwan ni ama ang mga pinamili at naupo na para kumain. Si ina naman ay tumigil na din sa pagsesermon.
Itinuloy ko ang pagaayos ng pinamili habang nagkukwentuhan sina ina. Pumasok pa si Tita Lei (mama ni Jace) at Tito Reuben sa kusina at nakipagkwentuhan na din.
Pinaguusapan nila ang trabaho nila. Kesho pagod na daw si ina sa trabaho niya at namamaga na ang kanyang mga kamay. Hindi na din daw niya mai-galaw ng ayos ang kanyang mga braso sa kakaplantsa ng damit ng amo niya.
Yes. My mom's a domestic helper. Hindi ko iyon ikinakahiya dahil marangal naman iyong trabaho. Si ama naman ay operator sa isang factory ng beer. Dahil sa trabaho nila, maayos ang buhay namin ngayon. No financial problems. Nakukuha pa namin ang gusto namin. That's why I think I'm still blessed.
"Kaya kayong mga bata kayo, mag-aral kayo ng maayos. Para sa kinabukasan niyo 'yon. Capito, Keira?" baling sa akin ni ina. Ako na naman ang nakita niya. (Capito = get it)
"Okay naman ang grades ko, Ma. Alam niyo 'yan."
"Kaya nga sinasabi ko. Galingan mo pa lalo. Ano bang masamang maghangad ng mataas pa kung kaya mo naman."
"Wag kang magalala, Mommy. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay namin ni Keira." And just like that, my heart jumped off my chest. Napatigil lalo ako sa ginagawa ko. Literal na nanlaki ang mga mata ko at napanganga.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...