Masyadong mahaba pa ang gabi para sa'min. Alas nuebe pa lang at nagsisimula pa lang ang kasiyahan. Hanggang 2 pa daw matatapos ang get-toghether na 'to kaya naman sinusulit na ng lahat.
Umupo uli ako sa pwesto namin. Solo ako ngayon kasi naghiwalay na kami nina Janine at Cholo kasi pumunta muns sila sa mga kaklase nila. Nakangiti kong pinagmasdan ang paligid. Ang saya ng lahat. Yung iba nasa mga pwesto din nila at masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan, yung iba naman nagsasayawan sa gitna, yung iba naman halata mong lasing na. Nilaklak na ata nila ang wine at beer dito. -.-"
Nilaru-laro ko ang konting wine sa baso ko. Di ko alam ang iniisip ko. Haha! Pwede ba yun? Yung wala kang iniisip? Ang weird ko.
"You're alone. Hindi bagay sa'yo ang mag-isa."
Lumingon ako sa nagsalita, si Andrei pala.
"Maganda pa rin ako kahit mag-isa ako 'no? Hahaha!"
"San naman nanggaling 'yon? Don't say bad words bunso! Hahaha!"
"Ang sama mo kuya! Minsan na nga lang, di mo pa mapag-bigyan?" sabi ko sabay hampas sa kanya.
"Eleh! Minsan lang daw. Haha!" galaw ni Andrei.
"Alam mo sweet ka na sana, kaso ang galing mo pa din mang-asar."
"Hahaha! Namiss mo naman? Eto, may joke na lang ako sa'yo."
"Sige sige. Siguraduhin mong mapapatawa mo ako ahh!" Nasabi ko ba sa inyo na maloko si Andrei at madami siyang mais na jokes? As in korni talaga! Haha!
"Oo naman. Ako pa! Haha! Eto. May sampong baboy daw, nawala ang tatlo, ilan ang natira?"
"7?"
"Bakit 7?"
"Gusto ko e!"
"Mali! 8 ang sagot!"
"Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...