"Ina, nadito na po mga kaibigan ko!"
This is the day. T^T
Bakit ang heartbreaking ng pagalis ko? Knowing na mukhang matatagalan na naman ang pag-uwi ko.
"Anong pinag-iinarte mo dyan?" mataray na sabi sa'kin ni Janine. Tinitigan ko lang siya ng matagal, tapos niyakap ng mahigpit.
"Putaneks choi, mamimiss kita! *huk huk*"
"H-Hoy! Wag ka nga! Pati ako madadala sa kadramahan mong luka ka!" sabay yakap din niya sa'kin. "Ingat ka dun ha? Wag kang makakalimot."
Umiling-iling na lang ako kasi alam kong pag nagsalita pa ako hahagulhol lang ako at mas magtataray siya kasi madrama ako masyado.
"Uy! Payakap din ako!" Papalapit na naka-open arms si Cholo sa'min nang bigla akong tinulak ni Janine.
"Eeww! Si Kei na lang yakapin mo. I-sasama mo pa ako, kadiri ka!" sabay walk out niya. Hahaha. Kahit kailan talaga!
Nagkamot na lang ng ulo si Cholo. Sinundan na lang namin ng tingin si Janine saka kami nagkatinginan.
"Payakap daw!" naka-umis na sabi ni Cholo.
"Anong payakap? Utot mong yakap! Hmp!" Umalis na ako sa balcony namin at iniwan siya dun. Wala lang. Trip ko lang siyang tarayan. Hahahaha.
"Oi! Teka lang bansot! Mga babae talaga!"
Hindi buong barkada ang nakarating. Sina Janine, Mico at Cholo lang ang nadito. Hindi ko nga alam kung susunod pati sina Renz at Andrei. Si Nikki kasi pupunta daw dito. Teka. Bakit parang ngayon ko lang narerealize na ang dami kong barkada? Hahaha!
(a/n: wag sana kayo maguluhan guys. pero if may mga katanungan kayo, sabihin niyo lang sa'kin. ^_^)
"So kelan ba talaga uli ang balik mo dito, Kei?" tanong ni Janine.
"Hindi ko pa talaga alam. Baka tapusin ko muna ang school ko tapos magiipon, saka ako makakauwi uli."
"Grabe namang tagal nun bansot! Hindi mo kami mamimiss nun?" reklamo ni Cholo.
"Anong gusto mo malaman? Yung masakit na katotohanan o masarap na kasinungalingan?"
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...