"Ano pang pinagkaabalahan mo? Panay inuman ka lang dun di ba?"
"Sobra ka naman. Hindi 'no! Lumabas kami nina Cholo. Pumunta kami sa mall at nanuod ng sine."
"Kayo lang?!" gulat niyang tanong.
"Hindi, gaga! Kasama namin no'n sina Krizette, Mel at Nate. Hindi nakasama si Jané kasi may klase siya no'n." Kinutkot ko yung banig kasi wala ako magawa. "Tsaka, ano naman kung kami lang ni Cholo? Malinaw na sa kanya nga di ba ang lahat? We're friends."
"Kawawa naman 'yon. Friendzoned. Basted. Tsk tsk tsk. Hahaha!"
"Mabuti na 'yon. Ayaw ko masira pagkakaibigan namin. Mahalaga siya sa'kin. Makakakita din siya ng babaeng para sa kanya. At hindi ako 'yon."
"Sabi mo e!" Dumapa naman siya sa banig at tumapat sa araw. Sinuot uli niya ang shades saka uli nagsalita. "Kamusta nga pala sina Bianca? Si Miggz at Kent?"
"Ok naman sila. Mas nakapag-bonding kami nung family reunion." Natawa ako ng maalala ko ang sarili ko noong araw na 'yon. "T*ngna! Lasing na lasing ako no'n ah! Tsk! Alam mo bang isinayaw ako ni Nate no'n?"
"Nadun din siya? Paano naman siya napapunta don?" taas kilay niyang sabi.
"Kasi sabi nina Kuya Jazz mag-dala daw ng mga date. E di kanya-kanyang date. Si Cholo ang dinala ko. Si Precy ang may date kay Nate. Alam mo namang kahit noong kami pa ni Nate e patay na patay na siya dun."
"Hindi pa din nagbabago yang pinsan mo 'no? Buti pumayag si Nate!"
"Aba, malay ko sa kanya. Nasira din naman halos ang gabing 'yon. Ang t*nga t*nga kasi."
"Oh, bakit na naman? Si Nate na naman?"
"Oo.
Kasi nung oras na lasing na lasing na ako, pumunta ako sa C.R. kasi ihing ihi na ako sa dami ng nainom ko. Paglabas ko ng banyo bigla na lang akong hinila ni Nate sa madilim na kwarto. Bale nung masanay ang mga mata ko saka ko nalaman na nasa isang meeting room kami. Basta. Hinalikan niya ako non. Nadala ako, Kambs. Nakaramdam ako ng sobrang pangungulila sa kanya. Na para bang namiss ko ang bawat haplos at halik niya.
Muntik na muntik na. Lasing din kasi siya non. Buti na lang bumalik ako sa wisyo no'ng maramdaman kong binubuksan na niya ang zipper ng dress ko."
"OH.EM.GEE! For real?!" Napatakip siya sa bibig niya sa sobrang pagkabigla pero kaagad din naman niyang tinanggal. "Poi?" (poi = then)
"Poi nagkasagutan kami. Pinagpipilitan niya ang sarili niya. Pero sinabi ko sa kanyang tigilan na niya ako. Ayoko na din kasi. Tapos na ang sa'min. He will just be part of my past. Pagkakaibigan na lang ang mai-aalok ko sa kanya."
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...