-KEI'S POV-
*beep*
From: Nikki
hei kei! gs2 mu bng sumama smen kna drei? inumn dw..
"Sino ba yang katext mo, Kei? Wag mong sabihing si Cholo pa din yan ahh! Pepektusan ko na yan!" reklamo ni Janine sa'kin. Hahaha!
Nadito kasi ako sa kanila at nakikitambay kasama yung boyfie niyang si Mico at mga kapatid niyang lukaret at binabae. Hahaha!
"Hoy bakla! Bet na bet ka talaga niyang si Fafa Chols ha! Akin na lang kasi siya. Mas bagay ang beauty ko sa kanya!" sabi ni Ate (o Kuya) Maiki sa'kin na may pag hampas pa sa braso ko. Echoserang bakla 'to! Actually siya yung pinagkaitan ng pagkalalaki sa magkakapatid nina Janine. Naturingang kuya... sana. Hahaha!
"Tange! Si Nikki 'to. Kaklase ko nung 4th year. Nagyayaya makipag-inuman kina Kuya Andrei." sagot ko sa kanila habang nagta-type ng i-rereply.
To: Nikki
cge niks.. tamang tama, meju malapet aku dun.. kta na lng tau sa skayan?
"So sasama ka sa kanila? Ngiting ngiti ka dyan oh!" taas kilay na sabi naman ni Ate Wendy. Panganay namang kapatid ni Janine. Dami nila 'no? Hahaha! Apat sila, promise! XD
*beep*
Naks! Mabilis din naman magreply.
From: Nikki
send ku n lng sau # ni drei.. tex mu n lng cia kung ano..
To: Nikki
okies, tenks.
"Yan pa ba ate ang tumanggi sa alak? Natural pupunta yan! Wala pa kaya nanay niya kaya nilulubos lubos na din niya." sabi naman ni Janine. Hahaha! Kilalang kilala niya talaga ako!
"Sabi ko nga. Teka, payag naman ba si Nate dyan?" tanong uli ni Ate Wendy. Oo, kilala nila si Nate. Kabuntot ko yun lagi kahit saan NOON siyempre.
"Ate kahit kelan huli sa balita! May facebook at twitter na't lahat, huli pa din. Wala na sila ni Kuya Nate 'no! Two years na 'te!" sabat naman ng bunso nilang si Faye.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...