-ANDREI's POV-
Since hindi pa ako inaantok, sumandal muna ako sa headboard ng kama ni Jace. Ang himbing na ng tulog ni Kei. Sina Jet at Alice tulog na tulog na din.
Umibo ng bahagya si Kei paharap sa'kin. Ang lakas ng harok niya at wag ka, umaklay pa talaga siya sa binti ko. Lalo na akong hindi makakatulog nito lalo na't ayoko pa naman ng malikot ang katabi ko sa pagtulog tapos maingay.
Malaki ang kama ni Jace at kasyang kasya ang tatlo. Luwag pa nga. Nakadikit ito sa dingding na kulay sky blue.
Alam ko ang pangit tingnan na magiging magkakatabi kami nina Jace dito pero wala kaming magagawa. Tsaka wala namang malisya 'to. Ayoko man ang sitwasyong ganito kasi lalaki din ako, pero wala na akong magagawa. I may be starting to fall for her but I respect her like how I respect my mom and my ate.
"Waaag! Please waaag! Wag si Keith!!!"
"Kei! Hui Kei! Gising!" inalog alog ko siya hanggang sa bigla na lang siya bumangon at napatingin sa'kin.
"Kuyaaaa! *sniff* *sniff* Natatakot ako." Agad siyang yumakap sa'kin kaya niyakap ko rin siya habang hinahaplos ang likod niya.
"Ssshh.. Tahan na. Panaginip lang yun bunso ko. Ssshh.."
"*sniff*Kuya, bakit palagi ko na lang yun napapanaginipan?*sniff*Si Keith ang pinakamahalagang taong kahit kailan di ko kakayaning mawala. Silang dalawa ni Kim."
"Mga kapatid mo?" Tumango lang siya bilang sagot.
Hindi ko gaanong kakilala ang personal background ni Kei. Magkaibigan lang naman kasi kami at isang taon ko lang siyang naging kaklase. Kaya nga ngayon gusto ko pa siyang makilala ng lubusan.
"Wag mo na yun isipin. Panaginip lang yun. Tahan ka na. Nawawala ang ka-cute-an mo niyan oh! Sige ka. Hehehe."
Hinampas niya ako sa braso ng mahina. Nakayakap pa rin kasi siya sa bewang ko. Yung ulo niya nasa dibdib ko.
"Kuya naman! *sniff*Haha!"
"Ganito na lang. Kwentuhan mo na lang ako sa mga kapatid mo." Step ko na 'to para mas makilala siya.
"Sige." Umayos siya ng tayo pero nakayakap pa din siya sa'kin. "Ako ang panganay sa'ming magkakapatid. Matanda ako kay Keith ng 5 years tapos si Kim ang sinundan niya na 6 years naman ang agwat nila sa isa't isa. Mas close ako kay Keith kahit na malimit kami mag-asaran at magkapikunan. Mahal na mahal ko yun kahit ang suplada niya, ang arte niya at ang tahimik niya."
Patuloy lang ang pagkukwento niya. Mahahalata mo sa pagkukwento niya na talagang mahal niya si Keith. Si Kim daw kasi ang bunso kaya mama's boy. Malapit din naman daw siya kay Kim pero dahil nga daw malaki ang agwat nila sa isa't isa, mas nagkakasundo sila ni Keith.
BINABASA MO ANG
The Key to My Heart
RomancePaano kung andyan na pala? Paano kung nakita mo na pala? nakausap? nakakabatian? Paano kung matagal mo na palang kilala? katabi mo lang pala? yung crush mo pala? o classmate? o kaibigan? Mahahanap mo na ba ang may hawak ng susi ng puso mo? This is t...