Chapter 15 - Sino ka?

177 8 4
                                    

-KEI's POV-

uhmmmmmmmm..

*\(u^u)/*

*boogsh*

*blag*

*\(O______O)/*

"ARAY! Sino g--"

"Potang--"

Lingon sa kanan.. (OO.)

Lingon sa kaliwa.. (.OO)

Napaupo ako mula sa pagkakahiga saka... "Aaaaaaaaahhhhh!!!!"

"Woaaaahh!! Sunooog!" sabi ni Jet na bigla na lang nagising dahil siguro sa pagkakasigaw ko. "Anong nangyayari?" kamot ulo niyang pagpapatuloy. (-.-)7

"Kei naman! Ano ba?! Peste naman oh! Natutulog ang tao e!" sabi naman ni Alice na nagising din sa pagsigaw ko.

"Eee~ Bakit ko kayo katabing dalawa?! Anong ginawa niyo sa'kin?!"

*pak*

"Kei naman! Magtigil ka nga! Natutulog yung tao oh! Nananakit na nga, nambubulabog pa!" inis na sabi ni Jace, saka nagtalukbong uli ng unan.

"Bunso, spell mo ang salitang abala. Ikaw yun! Grabe ka!" sabi naman ni Andrei, saka bumalik uli sa tabi ko at nahiga. Mukhang nahulog siya sa kama.

"Inaano ko ba kayo?! Kayo nga 'tong hindi ko alam kung bakit ko kayo katabi e. Pinaggitnaan niyo pa ako."

"Uuuurrgghh!! Mamaya ka na nga magreklamo dyan Kei. Pwede ba?! Alas sais pa lang ng umaga. Patulugin mo naman kami! Kagabi ka pa ahh!" inis na reklamo sa'kin ni Jace.

"Alin ba ang kagabi pa? Ano b--"

Inis na tinanggal ni Jace ang unan na nakataklob sa ulo niya at humarap sa'kin. "Pwede ba?! Mamaya na! Humiga ka na uli! asadhaudbakdgidaksbascoashc..."

Nabigla ako sa pagsigaw niya kahit hindi ko naintindihan yung huli niya sinabi kaya nahiga na lang uli ako. Ang awkward ng feeling pero pinilit ko uling matulog. Medyo masakit din kasi ang ulo ko kaya siguro hindi din ako mahihirapan makatulog uli.

***

"Kei... Kei... Gising na Kei."

"Ha? Sino ka?" sabi ko sa lalaking kaharap ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Nakakasilaw. Pero yung boses niya, parang napakinggan ko na. Hindi ko lang maalala kung san o kung kanino.

"Halika may pupuntahan tayo."

"San naman? Teka, magpapaalam muna ako kay ina. Baka mapagalitan ako."

"Wag na. Saglit lang naman e. May ipapakita lang ako sa'yo. Tara!"

Hinila niya ako palabas. May motor na nakaparada dun. Agad naman niyang iniabot sa'kin ang helmet niya saka ako inalalayan sumakay sa motor niya.

"Kapit ka lang sa'kin."

Hindi ko alam kung sino ang lalaking 'to. Pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.

Sa bilis ng takbo ng motor, sa bewang niya ako napayakap. Feeling ko ang safe safe ko sa kanya. Feeling ko hinding hindi niya ako hahayaang masaktan. Feeling ko hindi masamang magtiwala ako sa kanya.

Hindi katagalan ang biyahe namin at nakarating na daw kami sa pupuntahan namin. Lalakarin na lang daw namin.

"Pikit ka."

The Key to My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon