-----
"Salot ka na nga sa lipunan, salot ka pa sa buhay namin!"
Napabaling ako sa kanan nang masampal nang malakas nang mama ko. Lalong nag init ang mata ko at tuluyan nang nagsilabasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ko inakalang manggagaling pa iyon mula sa kaniya. Sa sarili kong ina. Nasanay na akong palaging napagsasabihan nang masamang bagay tungkol sa kasarian ko. Na bakla ako. Na salot ako. Kasalanan. Hindi nararapat mabuhay.
Pero ang marinig iyon mula sa sariling ina ko? Sobrang sakit. Akala ko matatanggap nila ako. Bilang ako, dahil anak nila ako. Akala ko yayakapin nila yung kasarian ko pero mali ako.
Sa mga panahong kasama ko sila ay hindi ko man lang naramdaman na mahal nila ako. Palaging si ate. Si ate. Siya yung mabait. Siya yung pinagmamalaki.
"Matapos ka naming palakihin. Iyon ang ipapalit mo? Ang makabuntis!" Sabay pakita nito nang pregnancy test na nakuha sa loob nang kwarto.
"Ma... Please..."
"Lumayas ka!" Agad kong naiangat ang ulo nang bigkasin iyon ni mama. Nakita kong puno nang poot at galit ang mata nito, tulad nang nakikita ko sa kaniya araw araw.
"Ma... Please... Hindi yun ganun." Ang kaninang hikbi ko ay naging atungal. Hindi ko na alintana iyon.
Aabutin ko sana si mama nang itakwil nito ang kamay ko at pumasok sa kwarto ko. Mas lalo akong napahikbi nang makitang inilabas nito ang isang maleta mula sa kwarto ko. Marahil ay mga gamit ko ang laman noon.
Plinano na ba nila to? Ganun na ba sila kadesidido na palayasin ako? Ganun ba ako kawalang kwenta?
"Lumayas ka." Madiin nitong wika na ikinapanglumo ko. Nanghina ang tuhod ko. Mabuti na lamang at may upuan sa tabi ko. Humawak ako roon at kumuha nang lakas para makatayo.
"Pa..." Bumaling ako kay papa.
Nakita kong nakatingin rin ito sa akin. Walang emosyon ang mukha.
Mas nanlumo akong nang makitang ilayo nito ang mata sa akin. Pati siya? Akala ko kakampi kita, pa?
Wala akong nagawa kundi ang lumuhod sa harap nila.
Inalis ko ang pagkakahawak sa upuan at lumuhod. Yumuko ako at hinayaang maglandas ang luha ko.
"Ma... Pa... Please..."
"Lumayas ka na, Quin! Kung ayaw mo ay ipapakaladkad kita mismo sa mga bodyguard."
Wala na talaga akong magagawa. Desidido na silang palayasin ako nang hindi nakikinig ang paliwanag ko. Bakit nga pala nila didinggin? Na sa una palang ay gusto na nila akong paalisin. Naghahanap lang sila nang dahilan.
Ngayong nakahanap na sila nang butas, ginawa na nila ang lahat para maisakatuparan na mawala ako sa buhay nila.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa lapag at tumayo. Hinarap ko si mama at papa, bago ngumiti.
"Salamat sa pagpapalaki sa akin ma, pa, kahit hindi ko naramdaman yung pagmamahal niyo." Muling bumulos ang luha ko kasabay nang pagagos nang libo libong memorya sa isip ko. Ang bawat sakit, kahihiyan, at pagtitimpi ko sa buong buhay na pamumuhay ko sa bahay na ito.
Hinila ko ang maleta at tuluyan nang tumalikod sa kanila.
Nakalabas na ako ang bahay at tuloy tuloy lamang sa paglalakad. Hindi alintana ang malakas na pagbuhos nang ulan.
Hanggang sa makalabas na ako nang gate nang bahay namin. Muli akong bumaling sa bahay kung saan ako lumaki. Nakita kong nasa may pintuan si mama at papa at magkayakap ito. Nakita ko pang nakasubsob ang mukha ni mama sa dibdib ni papa at tumaas baba ang balikat.
Saan na ako pupunta ngayon?
Kung hindi lang sa katangahan ko ay hindi ito nangyari.
Muli kong naalala ang nangyari noong nakaraang linggo sa isang bar na pinagdaluhan nang birthday ni Freya.
"Tayo tayo lang ba?" Tanong ni Harold bago bumaling kay Freya.
"May darating pa. Kaibigan ko sa dati kong pinapasukan." Wika nito. "Ayan na pala eh!"
Nagliwanag ang mukha nito at agad na tumayo at sinalubong ang iba niyang bisita.
"Ayos ka lang?" Inangat ko ang paningin kay Harold nang magsalita ito. Tumango ako.
"Guys... Simulan na!" Malakas na sigaw ni Freya bago tumawa at tumabi sa akin. Nagsinuran naman ang iba nitong bisita. Nagsiupuan sa mga bakanteng upuan na naroon.
Mukhang may mga kaya ito sa buhay. Mga bigatin. Makikita sa mga brand nang mga suot nila at dala dalang aning aning.
Napuno nang tawanan at ingay ang lamesa namin sa mga nakaraang oras. Nakakatawag na rin nang atensyon nang iba ang ingay namin. Sa tingin ko rin ay namumukhaan nila ang iba rito. Mukhang mga kilala nga ang mga kasamahan namin.
"Quin, tara sayaw tayo." Aya sa akin ni Freya nang tumayo ito.
Tatanggi sana ako dahil masakit na ang ulo ko. Marami rami na rin kase ang nainom ko. Namromroblema na nga ako kung papaano makakauwi sa lagay na ito. Umiikot na ang paningin ko.
Wala na akong nagawa nang mahila ako ni Freya sa gitna ang nagsasayawang mga tao.
Umugong ang pamilyar na kanta sa tenga ko. Who's that girl by Guy Sebastian?
Sumayaw na lang ako kasabay nang ibang naroon. Nakapikit ako habang sumasayaw at may sariling mundo.
May naramdaman akong humawak sa bewang ko ngunit hindi ko na iyon inalintana. Napasinghap nalang ako nang maramdaman ang katigasan nang kung sino mang nasa likuran ko. Oh god. Hes huge.
"Ugh." Napaharap ako sa kung sino man ang nasa likuran ko. Mas mataas ito sa akin. Hindi ko makita nang maayos ang mukha niya dahil umiikot na talaga ang paningin ko.
Nagulat nalang ako nang hapitin ako nito at paglapatin ang labi namin.
Dahil na rin yata sa kalasingan ay tumugon ako.
Hindi ko alam ang sumunod na nangyare. Ang alam ko lang ay pagtama nang likuran ko sa kama at pagpasok nang kaselanan niya sa pwerta ko. Masakit ngunit masarap sa pakiramdam. Hanggang sa maabot namin nang sabay ang kasukdulan.
Nangunot ang noo ko nang mapansing di pamilyar ang lugar pagkagising ko. Hindi ito ang kwarto ko. Kumunot ang noo ko.
Nagsibalikan sa akin ang nagyari kagabi at nanlalaking matang tumingin sa tabi ko. Hindi nga ako nagkakamali at may lalaking adonis sa tabi ko.
Agad akong umalis sa lugar na iyon nang walang ingay at ingat na wag magising ang lalaki. Ano na lamang ang kahihiyan pag nakita niya ako. Sigurado akong lasing siya kagabi at napagkamalan akong babae. Nagbigkas pa nga siya nang pangalan habang may nagyayari sa amin.
Naiiling ako habang umiiyak.
"Jusko! Quin!? Anong ginagawa mo riyang bata ka? Umuulan oh!" Nakita ko ang naghehysterical na mukha ni tita Salve. Nakita ko namang umamo ang mukha nito nang makita ang bagahe sa tabe ko. "Pumarito ka." Bumaba ito nang van at inalalayan akong sumakay roon.
©Salamenct
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...