-----
Ting!
Tunog nang pagbukas ng elevator. Ibig sabihin ay nasa pinakababang bahagi na kami nang building. Nauna muling lumabas ang lalaki kaya sumunod ako rito.
Maraming lumingon sa gawi namin ng makalabas kami ng elevator. Dahil siguro sa presensiya ni sir.
Owtomatiko akong napahinto sa paglalakad nang makita ang lalaki na hiniraman ko nang panyo kanina dahil sa natapong drinks sa akin kanina sa canteen. Nakikipag usap ito sa mga iba niya pang kasamahan.
Ayaw ko pa sanang ibalik itong panyo dahil hindi ko pa nalalabhan pero ayos lang naman lang yata sa kaniya. Hindi ko na napansin ang paglabas ni sir Dark dahil nakatuon ang atensyon ko sa pagbabalik ng panyo sa lalaki kanina.
Naglakad ako papalapit rito at mahinang tinawag ang lalaki. Agad rin namang itong lumingon at nagpaalam sa kasamahan niya. Sinalubong ako nito at ngumiti.
"Ah gusto ko lang sana ibalik sayo toh. Pasensiya na ha? Di ko pa kase nalilinisan tapos ibabalik ko na sayo." Nahihiyang aniya ko habang inabot sa kaniya ang panyo. Ngumiti naman ito bago inabot ang panyo mula sa akin.
"Ayos lang iyon. Ako nga pala si Justin." Inabot nito ang kamay sa akin.
"A-Ah Quin." Ngumiti ako rito at nagpasalamat muli ng ilang beses na sinagot niya lang naman ng ngiti at tango.
Magpapaalam na sana ako nang muling magsalita ito.
"Ah Quin, pwede bang..." Nagtaka ako nang di nito tinuloy ang sasabihin niya. Hindi na ito sa akin nakatingin. Sinundan ko ang tinitingnan nito at sa likuran ko iyon.
Napasinghap ako ng makita ang lukot na lukot na mukha ni sir Dark sa likuran ko. Mukhang wala ito sa mood.
"Bawal ang landian sa loob ng kompanya ko." Madiing wika nito.
Agad namang nangunot ang noo ko. Landian? Landian ba ang tawag niya doon?
"A-Ah sige, Quin. Una n-na ako." Naiilang na sabe nito bago umalis sa harap namin. Mukhang kinakabahan at natatakot ito sa awra ni sir Dark. Ikaw ba naman makakita nang lalaking nagiigting ang panga at salubong ang kilay. Ewan ko nalang di ka matakot? Lalo na at boss pa namin ito.
Pinagmasdan ko ang lumalayong pigura ni Justin na lumalayo. Bumalik ito sa pwesto kung nasaan naroon rin ang mga kausap niya kanina na kapwa nakatingin sa gawi ko o namin pala. Agad naman akong napaharap sa boss ko na panira. Kung hindi ko lang ito amo ay inirapan ko na ito nang todo.
Bakit ba siya nakikisabat sa usapan namin? Tinawag niya pang landian ang pagbibigay nang pasasalamat ko kay Justin. At bakit narito pa rin ito? Ang buong akala ko ay umalis na siya?
Dahil sa inis ay umalis na lamang rin ako sa harap nito at nagpatiunang maglakad. Hindi ko alam kung sumunod ba siya o hindi, pero sana naman ay oo.
JUSKO QUIN!
Maghunos dili ka.
Nakarating ako nang parking lot at malapit na sa sasakyan ko nang maramdaman kong may presensiya sa likuran ko at kilala ko iyon.
Hindi nga ako nagkamali nang maramdamang may humawak sa pulsuhan ko at pilit na ihinarap sa kaniya. May kung anong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko dahil sa pagtama ng balat naming dalawa.
Sinalubong ako ng mas lukot na mukha ni sir Dark. Kung kanina ay salubong ang kilay nito, ngayo'y salubong na salubong na at mukhang galit na talaga. May kung anong galit ang mababasa sa mata niya at hindi ko alam ang dahilan.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...