-----
"Sige, bye na."
Kumaway si Kiara sa akin bago tuluyang lumabas ng elevator kasama si Justin. Ngumiti ang lalaki sa akin at nagthumbs up. Ngumiti ren ako pabalik.
Nakakatuwa lang na kahit alam na nila ang kasarian ko ay ganito pa ren ang trato nila sa akin.
Bilang isang indibidwal na kasama sa lgbtq, mahirap makahanap ng taong tatanggapin ka ng lubusan. Yung taong hindi ka lalaitin habang nakatalikod ka.
Marami akong nakilala habang nasa high school ako noon. Karamihan sa mga ito ay nagpapakitang tao lamang sa akin kung kaharap ako pero kung nasa likuran ko na ay marami akong naririnig na panlalait mula kanila.
Itinuturing nilang parang isang sakit ang kasarian namin kahit wala namang mali roon. Nagising nalang ata ang mga taong iyon na napagdesisyunang magalit sa mga uri namin. Parang napeperwisyo namin sila ng kasarian namin kung makareact sila. Na kahit ang katotohanan ay hindi.
Kaya sa nakikita ko ngayon kina Kiara... Totoo sila sa pinapakita nila. Hindi lang dahil nakikita ko kung hindi nararamdaman ko na ren. Nakakatuwa lang na mas dumarami na ang tumatanggap sa akin ng totoo. Na hindi ko man lang nakuha sa iba at sa sariling pamilya ko.
Dahil sa kakaisip ay naalala ko ang pamilya ko.
Ano na kaya ang sitwasyon nila ngayon?
Siguradong masaya na ang mga ito ngayon. Lalo na at wala ako roon at ang paborito lang nilang anak ang kasama. Yun lang naman yata ang ikakasaya nila, ang mawala ako sa puder nila.
I sighed.
Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator. Muling bumigat ang dibdib ko nang masilayan ang floor kung nasaan ang mesa ko. Bumalik sa alaala ko ang nakita ko kanina pero agad ko rin iyong iwinaksi sa isipan at nag isip ng ibat ibang bagay para mawala iyon.
And then, pumasok sa isipan ko ang anak ko. Ang mukha nitong nakapikit habang ngumingiti nang maipanganak siya.
Ayaw ko sa nararamdaman ko ngayon. Mas mabigat at mas masakit pa ito sa nararamdaman ko tuwing nilalait ako nang kung sino man. Nagseselos na naman ako tulad ng pagseselos ko sa kapatid ko noon.
"Quasandra!"
Rinig kong sigaw ni mama mula sa sala kaya sumilip ako sa siwang ng pinto ko. Nakita ko ang pababang si ate Quas sa hagdan dahil nasa taas ang kwarto niya samantalang ako ay nasa ibaba at nasa tabi lang ng sala ng bahay. Silang tatlo ay nasa taas ang kwarto. Tanging ako lang ang naiiba. Noong una, natatakot at nalukungkot ako dahil ayaw kong mapag isa. Matatakutin akong tao. Takot ako sa hindi nakikitang tao. Nung unang beses ko nga dito natulog ay umiiyak pa ako dahil gusto ko nung tumabi sa mga magulang ko pero ang sabe nila ay hindi na kasiya dahil doon rin matutulog si ate Quas. Wala namang akong nagawa. Pero kalaunan ay nasanay na ren ako sa kwartong ito. Nasanay akong mag isa.
"Pumarito ka, iha." Masiglang ani ni mama na hindi ko man lang nakikita sa mukha niya tuwing kaharap niya ako. Palagi lang na salubong ang kilay nito pag ako ang kaharap.
"Ano yun, mom?" Mas lalo akong nainggit nang marinig muli ang pagtawag ni ate Quas ng mom kay mama. Iyon rin ang gusto kong itawag kay mama pero ang sabe nito ay masiyado raw akong pasosyal at puro kabaklaan ang naiisip.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...