-----
"Ito ang bahay niyo?" Dinig kong tanong ni Dark ng makapasok kami ng bahay. Hindi ko nilingon ang lalaki bagkus ay itinuon ko ang atensyon sa anak. Gusto kong sagutin ang lalaki ng 'obvious ba?' pero ayaw ko namang isipin nito na pilisopo ako kaya nanahimik nalang ako.
Madilim na ng makaarating kami rito dahil natagalan kami sa mansion ng mga Flogencio dahil na rin sa kagustuhan ni ma'am Alendra. Gusto niya pa raw makasama si Zaqui ng mas matagal. Natatawa nga ako kanina dahil nagmimistulang hindi na nito makikita si Zaqui ngunit sa katotohanan, tulad ng sinabe ni ate Jasmin, madalas na dadalhin si Zaqui roon.
Sina ate Jasmin ay umuwi na rin sa bahay nila dahil pagod rin siguro. Si Khian naman ay kanina pa umuwi. Ito ang nauna sa aming lahat. Ang sabe nito'y may biglaan lang raw na nangyare at kailangan siya roon. Hindi ko tuloy ito nakausap. Hindi ko alam pero parang iwas sa akin ang lalaki kanina habang nasa mansion.
Nilingon ko si dilim at nakitang ibinaba nito sa sofa ang mga binitbit na gamit. Hindi na nga napigilan ang pamilya ng lalaki na pagtirahin kami sa iisang bubong. Napakabilis ng pangyayare. Kanina lamang ay takot na takot pa akong sabihin sa lalaki ang tungkol sa anak namin samantalang ngayon ay narito ito at dito na titira.
Sumangayon na lang ako sa kagustuhan nila na dito tumira ang lalaki bagaman nagdadalawang isip ako. Bukod kase sa biglaan ang desisyon nila, baka mahirapan lang ang lalaki rito at manibago. Kung ikukumapara ang bahay na ito sa mansion nila ay baka dalawang kwarto lang noon. Maraming pagkakaiba ang bahay na ito sa kung ano ang kinasanayan ng lalaki.
"Mimi?" Napalingon sa anak ko ng magising ito. Inangat nito ang ulo mula sa pagkakasandal sa balikat ko.
"Hmm?"
Hindi sumagot si Zaqui. Lumingon ito sa gawi ni Dark at pinagmasdan ang lalaki.
"Mimi, bakit po kasama natin yung monstel?" Bumulong sa akin si Zaqui. Natatawa akong napalingon sa gawi ni Dark ng marinig iyon. Kumunot ang noo nito ng mapansin ang reaksyon ko. Tinapunan ako ng nagtatanong na tingin.
"Ssh. Magagalit yan pag narinig niya." Ibinalik ko ang tingin sa anak. Tumango-tango ito bago magpumiglas sa pagkakahawak ko. Ibinaba ko ito at nang makababa, tumuloy ito sa mga laruan niyang naroon malapit sa TV.
Nilingon ko si Dark at nakitang, tulad ko, nakasunod rin pala ito ng tingin kay Zaqui. Nakahawak ang dalawang kamay neto sa bewang niya habang nakatutok ang mata sa ginagawa ng anak niya.
Mas nagmumukha itong bossy dahil sa pwesto niya.
Iniwan ko muna ang mag ama roon at pumunta sa kusina para makapaghanda ng pagkain at mabigyan na rin ng oras ang dalawa. Yun rin naman ang kailangan ng dalawa ngayon. Nagpapasalamat akong nagiging maayos na ang lahat para sa amin ng anak ko at sana hindi na ito magbago o matapos. Gusto kong maging masaya lang ang anak ko at posible lang iyon kung kompleto ang pamilya niya hanggang lumaki siya.
Habang naghahanda, kumunot ang noo ko ng makarinig ng pag uusap. Kalauna'y napangiti ako ng mapansing boses iyon ng mag ama. Tama nga ako na sa una lang ganoon si Zaqui dahil hindi pa ito sanay sa presensiya ni Dark. Sa mga susunod na araw, sigurado akong magiging kampante na rin si Zaqui sa sariling ama.
Kamusta na kaya sina papa at mama? Kahit hindi maganda ang naging trato nila sa akin noon, may puwang pa rin naman sila sa akin dahil naging parte na rin naman sila ng buhay ko. Hindi rin ako makaramdam ng galit para sa kanila. Hindi ko alam kung bakit. Sadyang hindi lang ako marunong magtanim ng sama ng loob.

BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...