-----
"Ayos ka na ba?"
Muling tanong ko sa lalaki nang paulit ulit kong tanong rito. Natawa naman ito bago tumango. Sa pagtawa niya ring iyon ko napagtanto na ayos na nga ang lalaki. Natural na natural iyon tulad ng mga ngiti niya na nakikita ko kung totoo siyang masaya. O maaaring magaling lang talaga ito magtago ng totoong nararamdaman.
"Pasok na tayo." Pag aaya nito at uuna na sanang maglalakad papasok ng bahay nang ako naman ang pumigil rito. Hinawakan ko ang braso niya na ikinatigil nito. Nilingon ako nito ng nakangiti. Bumuntong hininga ako bago magsalita.
"Khian, bakit ganito ka nalang magtuon ng oras sa amin ng anak ko? Hindi ko alam bakit ganoon nalang mag alaga sa anak ko kahit na hindi pa namin natin kilalang kilala ang isa't isa?" Tanong ko na ikinawala ng ngiti sa mga labi niya. Matagal ko na iyong gustong itanong sakanya. Pinangungunahan lang talaga ako ng hiya. Hindi ko lang maintindihan bakit ganoon nalang siya kabait sa akin at sa anak ko. Gusto ko malaman ang dahilan.
"Quin..." Mahinang pagsasalita nito.
"Sabihin mo sa akin, Khian." Pagsasabe ko rito. Inalis ko ang pagkakahawak sa braso nito at tumayo ng maayos sa harap niya. "Gusto kong malaman ang dahilan. Bakit nga ba, Khian?"
Narinig ko ang mahinang pagbuga nito ng hininga na para bang mabigat ang sagot na isasabe niya. Parang nahihirapan siyang magdesisyon na sabihin ang sagot sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Bago pa mamatay ang mama ko, nakausap ko pa siya. Nag aagaw buhay siya noon." Nabasag ang boses ng lalaki. Kumirot ang dibdib ko sa tanawing nakikita. Ang mukha niyang umiiyak na yata ang pinakamasamang tanawin, na ayaw ko nalang makita.
Pero nangunot ang noo ko nang maisip na malayo iyon sa sagot sa tanong ko.
"Bago siya mawala, may ibinilin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit iyon ang binigkas niya sa mga huling salita niya. Naaalala ko pa na ngumiti siya sa akin bago sabihin ang bilin na iyon. Bilin niya saking alagaan ang taong niligtas niya noon at ang taong dinadala nito sa sinapupunan niya. Gusto niyang gawin ko ang lahat para mapasaya ang taong iyon. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit iyon ang gusto niya pero tinupad ko pa rin para sa kapalit ng mga pagkukulang ko bilang anak sa kaniya." Tuluyan na itong umiyak. Nagsiunahan na sa paglandas sa pisngi niya ang mga luha.
Ako man ay nag init ang gilid ng mata nang makabuo ng ideya sa isip na ayaw tanggapin ng sistema ko. Hindi maaari. Hindi ang nanay niya ang...
"Ang b-bilin niya ay ang alagaan k-ka Quin at ang anak mong si Zaqui." Nanghina ang tuhod ko ng marinig iyon. Kinumpirma nang mga salitang iyon ang mga salitang nabubuo sa isip ko. Bakit?
Nasagot niyon ang katanungang matagal ko nang gustong malaman. Wala na nga ang nagligtas sa akin noon sa paparating na sasakyan na babangga sana sa akin. Ang taong nagligtas sa amin ng anak ko mula sa kamatayan kapalit ang sariling buhay niya. Ang taong hindi ko man lang napasalamatan dahil sa pagbubuwis ng buhay niya para sa amin. Ang taong isang beses ko palang nakita ay nag alay na ng sariling buhay para sa amin ng anak ko. Ang ginang na nanay pala ng lalaking kaharap ko ngayon.
Napakapit ako sa lalaki ng manghina ang tuhod ko ng maalala ang nangyaring iyon ilang taon na ang nakakalipas.
"Sure ka ba na narito si sir Flogencio?" Dinig kong sabe ng babaeng malapit sa akin habang namimili ako ng mga prutas.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...