CHAPTER 25

12K 588 60
                                    

-----

"May maisusuot ka na ba?"

Pang ilang beses na tanong na sa akin ni Kiara nang palabas na ako ng kompanya.

Nagkatotoo nga ang sinabe ng dalawa sakin na magkakaroon ng party na gaganapin dahil sa pagtaas ng rate ng kompanya. Inanounce iyon kanina na nagdala ng saya sa mga katrabaho ko. Si Kiara naman ay kanina pa nagtatanong kung may maisusuot na ako. Eh kanina pa lang naman iyon inanounce at sa weekend pa gaganapin. Marami pa namang oras para roon.

"Wala pa." Pag uulit ko rin sa sagot ko. Hindi naman halatang excited siya sa darating na party. Hindi ko nga alam kung makakadalo ba ako. Bukod sa tinatamad ako ay mas gusto kong makasama ang sariling anak. Napapansin kong nawawalan na ako ng oras para rito dahil sa trabaho. Noon naman ay naipapasiyal ko ito atleast once a week pero ngayon ay hindi na.

"Pero pupunta ka?" Bumaling ako kay Kiara nang malapit na kami sa sasakyan dahil sa tanong nito.

"Malayo ba ang bahay niyo rito?" Tanong ko at pagbabago na rin ng topic. Ang babae naman ay sandaling natigil at nawiwirduhang tumingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Bakit mo naman natanong?" Nagcross ito ng braso sa harap ko. Nagkibit balikat ako bago sumagot.

"Ihahatid na sana kita." Simpleng sabe ko.

"Naku wag na. Ano naman ang nakain mo at naisipan mong ihatid ako?" Natatawang tanong nito. Muli akong nagkibit balikat.

Bigla nalang rin pumasok sa isipan ko eh.

"Ikaw ren." Ani ko.

"Hindi na talaga. Malapit lang naman samin rito." Ngumiti ito. "Salamat rin."

"Ano ka ba? Yun lang eh." Natawa kaming dalawa.

"Sige una na'ko." Pagpapaalam ko rito. Kumaway ako at nakitang ganoon rin siya.

Papasok na ako ng sasakyan ng muli ko itong lingunin. "Sure kang di ka magpapahatid?"

Nakita kong natawa ito bago kinumpas ang kamay na pinapaalis na ako. Natawa naman ako sa ginawa niya bago pumasok sa sariling sasakyan. Muli akong kumaway rito bago pinatakbo papalayo roon ang sasakyan.

Seryoso lang akong nag drive hanggang makarating sa bahay.

Napangiti ako ng marinig ang hagikhik ng anak ko nang makalapit ako sa mismong pintuan ng bahay namin. Narito yata si Khian.

Tama nga ang hula ko dahil nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang anak ko at si Khian na naglalaro. Nagulat pa ako ng makita sina ate Jasmin at kuya Aldren na nanonood ng TV. Bakit narito ang mga ito? Ang akala ko ay si Zaqui at ate Jasmin lang ang maaabutan ko rito.

"Wala ka bang trabaho, Khian? Bakit narito ka?" Bungad ko sa lalaking yakap ang anak ko. Narito pa lang ang lalaki kahapon at kaninag umaga. Dito na nga ito natulog tapos narito pa siya ngayon.

"Wala." Simple na naman nitong sagot tulad ng sagot niya tuwing tinatanong ko ito tungkol sa trabaho niya. Napailing na lang ako.

"Mimi, dito po ulit ba matutulog si daddy?" Sinuklay ko ang buhok ng anak ko bago sumagot.

"May trabaho ang daddy mo." Sagot ko bago tumingin sa lalaking mukhang tutol sa sinabe ko. Alam kong ginagampanan niya ang bilin ng mama niya pero kailangan niya ring asikasuhin ang sarili niyang buhay.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon