CHAPTER 17

12.1K 711 162
                                    

-----

"Bye, baby."

Huling paalam ko sa anak ko bago ito bibong bibong tumakbo papasok ng paaralan niya. Hinintay ko itong makapasok ng classroom niya bago ako tumalikod at pumasok sa sariling sasakyan. Binuksan ko ang makina at pinatakbo ito palayo roon.

Naalala ko ang pagpapaalam kanina nina tita Salve na uuwi na rin sila sa kanila ngayon.

Marami pa raw kase silang aasikasuhing mga bagay na naiwan sa kanila. Ganoon rin sina ate Zandra dahil hanggang ngayon lang naman daw ang inexcuse nila sa school ni Ali. Pero babalik naman raw sila kung mabigyan muli ng pagkakataon.

Hindi nagtagal ay nakarating ako sa lugar.

Tiningala ko muna ang mataas na building nang kompanya bago ako tumuloy sa paglalakad papasok.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.

Dahil ba ito sa takot na baka pagalitan ako ni sir dahil binabaan ko siya ng tawag kahapon nang hindi man lang sinasagot ang tanong?

Iniling ko ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy! Okay ka na ba?" Napalingon ako ng marinig ang boses ni Kiara. Kasunod niyon ay ang tunog ng pagsara ng pintuan ng kotse. Nakita kong kakalabas palang nito ng taxi na sinakyan niya.

Marahil ay narinig nito kay Justin na may sakit ako.

"Oo. Okay na 'ko." Sagot ko nang makalapit ito.

Pinasadahan naman ako nito ng tingin bago ngumisi.

"Blooming tayo ah. Matapos umiyak iyak nung isang araw." Natatawang ani nito na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko naman ito sinagot.

Habang papasok kami ay nagkwento ito tungkol sa pagparito raw ni Sam kahapon. Ako naman ay napuno ng katanungan ang isipan. Sumikip na naman ang paghinga ko.

"Parang higad kung makakapit kahapon kay sir." Mahinang sabe nito ng tuluyan na kaming makapasok ng kompaniya. "Si sir naman ay mainit ang ulo. Nasigawan ang bruhang si Sam. Ayun naiiyak na nag walk out ang bruha."

Dagdag ni Kiara bago tumawa ng tumawa. Kumunot naman ang noo ko. Si Sir sinigawan si Sam?

"Pero seryoso ah. Ang init talaga ng ulo ni sir. Kulang nalang mapaso kaming lahat rito. Matapos pumunta ni Justin sa itaas ay uminit na ang ulo. Tinanong ko pa nga si Justin kong siya ba ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni sir. Ang sabe naman ni Justin ay hindi raw. Ayun ang daming nasisante kahapon. Buti nga at wala itong inutos sa akin kundi babye to me. Baka wala na ako ngayon rito." Nagsisitakatakutang sabe nito. Tumigil na rin ito sa pagtawa.

Ako naman ay kinabahan dahil baka ako ang dahilan kung bakit uminit ang ulo ni sir. Patay na. Baka ako ang sunod na umalis.

Sandali kaming tumigil dahil sa paghihintay sa pagbukas ng elevator.

"Takot na takot ako kahapon na baka tawagin ni sir ang pangalan ko. Sa awa naman ng diyos ay hindi. Naiiyak na ako kahapon eh." Kahit hindi tunog seryoso ang pagkakasabe ni Kiara ay alam kong seryoso siya sa sinabe.

Siya na lang ang tumataguyod mag isa sa mga kapatid niya. Namatay raw kase ang mga magulang niya noon sa isang car accident. Wala naman ibang magtataguyod sa kanila at siya rin ang panganay sa magkakapatid.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon