-----
"Mimi, shan po tayo pupunta?"
Nag angat ako ng tingin kay Zaqui ng magtanong ito. Kasalukuyan ko itong sinusuotan ng damit na pang alis.
Nagyaya kase si ate Jasmin na mamasiyal. Sakto namang wala akong pasok ngayon kaya pumayag na rin ako. Sabe rin nito ay manonood kami nang mall show ni Khian. Ipapakilala niya raw niya kami rito.
Kung alam niya lang na magkakilala na kami.
"Mamasiyal, baby." Ngumiti ako at tiningnan ang itsura nito. Cute na cute ito sa suot niya. Napangiti ako.
Nakasuot ito ng white na t-shirt at jumper na may nakaburdang mukha ni stitch sa ibabaw.
"Talaga po mimi!" Nagliwanag ang mukha nito. Dumamba ito sa akin ay niyakap ako. Napatawa nalang ako.
Sobrang saya nito na makakapamasiyal siya. Pano pa kaya na pag nalaman nitong makikita niya ang daddy Khian niya?
"Oh sakto nakaayos na pala kayo." Pumasok si ate Jasmin ng kwarto.
Ngumiti naman ako rito at binuhat na si Zaqui.
Sabay sabay kaming lumabas.
"Ang cute cute talaga ng anak mo." Pagsasalita ni ate Jasmin ng makalabas na kami ng bahay. Kinurot nito ang pisngi ng bata na ikinangiwi naman ng isa. Napangiti naman ako at tumingin rin kay Zaqui.
"Kanino pa ba nagmana?" Natatawang ani ko.
"Baka sa ama. Malay ko bang kamukhang kamukha niya pala ang ama niya." Sabe ni ate Jasmin na ikinatahimik ko.
Tumawa nalang ako.
"Shino pong ama ang kamukha ko?" Cute na cute na tanong ni Zaqui at tumingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito. Agad na nanlaki ang mata ko at hindi nakasagot.
"Ah si daddy Khian, baby. Kamukhang kamukha mo nga eh." Nabaling ang atensyon nito kay ate Jasmin ng magsalita ito. Napangiti si Zaqui.
"Siyemple po." Natawa si ate Jasmin at naiilang na tumingin sa akin.
"Kasama ko nga pala asawa ko." Pag iiba nito ng usapan. Marahil ay naramdaman nito na ayaw ko ang pinag uusapan. Itinuro nito ang lalaking nakatayo sa tabi ng kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin. Maistura ito.
Sinalubong nito si ate Jasmin ng makalapit kami.
Pinagbuksan nito ng pintuan si ate Jasmin at ganoon rin kami. Bago ito umikot at umupo sa driver seat.
"Hun, sila yung sinasabe ko sainyo. Sabe ko naman sainyo cute ang dalawang ito. Ayaw lang talagang maniwala ng kapatid kong mokong na yun." Natatawang wika ni ate Jasmin.
Medyo natawa rin ako nang mahimigan ang pagkamuhi sa boses nito.
"Kilala mo naman ang kapatid mong iyon. Wala atang bagay na nagugustuhan sa mundo. Well, ang trabaho at ang ex niya lang pala." Naiiling na wika ni kuya Aldren.
"Hay... Oo nga. Naalala ko tuloy nung araw na nawala si sisa at nag iwan lang ito ng sulat sa bahay. Awang awa ako noon sa mokong na yun." May bahid ng lungkot ang boses ni ate Jasmin.
Sandaleng natahimik.
"Oo nga pala. Quin, si Aldren. Asawa ko. Aldren, siya naman si Quin. Ang cute na cute naman na batang iyan ay anak niya, si Zaqui." Pagpapakilala ni ate Jasmin sa amin. Bumalik na ang dating sigla ng boses nito.
Tumango naman ang lalaki at tiningnan si Zaqui.
"Parang pamilyar lang saken yung mata niya. Hindi ko alam kung bakit." Pagsasalita ng asawa ni ate Jasmin.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...