-----
Matapos ang nangyareng iyon sa cafeteria ay kinakabahan na ako sa bawat galaw ng lalaki. Ibang iba na ang pakikitungo nito sa akin, na pati sina Kiara at Justin ay napapansin na ren. Hindi lang pala sa akin kundi sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Madalas na itong ngumiti at medyo may kabaitan na sa pakikitungo sa iba. Cold pa ren naman ito pero hindi na tulad ng dati.
"Hay naku! May pasok na naman bukas." Nilingon ko si Kiara na mukhang tinatamad na nakaupo sa sofa. Pinadausdos nito ang katawan sa sofa bago tuluyang humiga na ikinailing ko.
Madalas nang pumaparito sa amin babae. Tuwing weekend ay narito ito. Ang sabe nito'y wala ren naman raw siyang ginagawa sakanila kaya dito nalang raw siya. Nakakaboring raw sakanila. Minsan nga'y isinasama nito ang dalawa niyang kapatid. Tulad ngayon, kasama nito ang dalawa na ngayo'y kalaro ni Zaqui sa itaas. Wiling wili rin ang dalawa sa anak ko. Matanda lang ng ilang taon ang mga ito kay Zaqui.
Muli akong nagpatuloy sa ginagawang paglilinis ng mga gamit at hindi nagsalita. Hinihintay na may sabihin pa ang babae.
"Kamusta naman kayo ni Daddy Khian?" Nang aasar na naman nitong tanong. Hanggang ngayon ay pinagpipilitan pa ren nito na si Khian ang ama ni Zaqui kahit ilang beses ko nang sinabe na hindi ang lalaki ang ama ni Zaqui. Hindi naman naniniwala ang babae dahil kung hindi raw si Khian ay sino. Hindi ko naman nasasagot ang babae dahil hindi ko pa kayang sabihin rito na si sir Dark ang ama ni Zaqui. Sa tuwing hindi naman ako makakasagot ay ipipilit nito na si Khian. Hanggang ngayon ay inaasar pa ren ako ng babae sa lalaki.
"Ayos naman." Sagot ko. Hindi pinapansin ang pag aasar ng babae. Ibinaba ko ang pinunasang picture frame na may litrato ni Zaqui nung maliit pa siya bago kumuha ulit ng bago.
"Ikaw ah. Kung kayo ni Khian, wag mo nang isekreto. Kaibigan mo ako duh. Hindi naman ako paparazzi para ikalat na 'Si Khian Villanueva ay may asawa at anak na'." Ginaya pa nito ang boses na parang nagbabalita. Nailing na lang ako rito.
"Wala nga at ilang beses ko sasabihin sayo na hindi si Khian ang ama ni Zaqui?" Aniya ko rito.
"Wushu. Eh bakit daddy ang tawag nang anak mo sakanya aber?" Pang aasar pa ren nito. Hindi naman ako sumagot.
"Pero bakit wala ang lolo niyo ngayon?" Pagtatanong nito nang hindi ako sumagot.
"May trabaho." Sagot ko. May trabaho ang lalaki at nagsabeng baka hindi muna ito makakapunta rito sa mga susunod na araw. May proyekto kase itong gagawin sa ibang lugar at medyo matagal sila roon.
"Eh sina ate Jasmin?" Tanong ng babae.
"Nasa probensiya ng mga magulang ni kuya Aldren. Last week pa sila umalis at babalik na yata bukas. Hindi ko sigurado." Aniya ko. Noong nakaraang lunes pa umalis ang mga ito at nasabe sa akin ni ate Jasmin na sa susunod na lunes rin naman raw ang balik nila. Isang linggo raw lang sila roon dahil gusto silang makita ng mga magulang ni kuya Aldren dahil matagal na ren daw noong huli sila roong makabisita.
Sana nga ay babalik na ang mga ito dahil walang magsusundo kay Zaqui sa school nito bukas kung sakali. Dahil busy rin si Khian. Mapipilitan akong hindi muna pumasok sa trabaho kung hindi makauwi sina ate Jasmin bukas.
Sandaleng tumahimik ang babae.
"Si sir?" Sandale akong natigil sa pagpupunas nang marinig iyon sa babae. "Parang bumabalik si sir sa dati."

BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomansaTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...