-----
Pinanood ko kung paano buksan ni maglakad sa unahan ko si ate Jasmin paakyat ng hagdan.
Narito kami sa bahay nila dahil nagpasama sa akin si ate Jasmin dahil may kukunin raw siya at hindi ko alam kung ano 'yon. Basta nalang akong inaya ng babae at ako naman ay sumama nalang upang makaiwas sa pang aasar ni Dark. Patuloy na inuungkat ng lalaki ang katangahan na ginawa ko kanina.
"Pansin mo ba ang pananahimik ni Khian, ate?" Hindi ko napigilang magtanong.
Sandaling natahimik ang babae.
"Hindi naman. Sadyang tahimik naman talaga si Khian." Sagot nito.
Tumango ako rito kahit hindi naman nito nakikita ang mukha ko. Siguro nga.
Tumigil si ate Jasmin sa harap ng isang pinto. Sandali ako nitong nilingon bago buksan ang pinto at pumasok roon. Sumunod ako rito.
Bumungad sa akin ang isang kwartong may isang malaking kama sa gitna. Malinis na malinis ang lugar.
"Kwarto namin ito ni Aldren." Nabalik ang atensyon ko kay ate Jasmin ng marinig ang sinabe nito. Iyon rin ang hula ko. Sa itsura palang ng kwarto at sa isang malaking larawan noong ikinasal si kuya Aldren at ate Jasmin na nasa bahaging taas ng kama.
Naglakad ako papalapit sa isang cabinet na naroon. May transparent na pinto kaya nakikita ang mga gamit na nasa loob. Naroon ang ilang picture frame at iba pang gamit tulad ng trophy.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga larawan at napangiti ako ng makita ang mga larawan nina ate Jasmin at kuya Aldren. Batang bata pa sila sa larawang iyon na bahagyang ikinagulat ko.
"Ate..." Nilingon ko si ate Jasmin. "Gaano na kayo katagal ni kuya Aldren?"
Naagaw ko ang atensyon ni ate Jasmin. Lumapit rin ito sa pwesto ko bago tapunan ng tingin ang mga larawang naroon. Nakita kong napangiti ito. Binuksan ng babae ang cabinet at kinuha ang larawang nakita ko kanina.
"Hindi pa kami ni Aldren ng mga panahong ito. Magkaibigan palang." Natawa si ate Jasmin. Ganoon na pala sila katagal na magkakilala.
"Sa probinsiya rin kami naninirahan noon bago pa kami mapunta rito. Nakilala ko si Aldren dahil pag aari ni dad ang bukid na pinagtratrabahuhan ng ama niya. Noong una, hindi talaga kami close nito. Nagsimula lang noong minsang umakyat si Dark sa puno ng mangga at hindi nito malaman kung paano bumaba. Dumating si Aldren at kumuha ng hagdan para makababa si Dark. Doon kami nagsimulang maging close. Araw araw na kaming naglalaro ilalim ng manggang iyon." Ako naman ang natawa. May ganoon palang childhood si Dark. Sa itsura nito ngayon ay hindi mo maiisip na minsan na pala itong umakyat ng puno ng mangga.
"Hanggang sa mag high school kami at umamin sa akin si Aldren na gusto niya ako. Gusto ko na rin siya noon pero hindi ako umamin. Nag focus muna ako sa pag aaral. Tulad ng gusto ng mga magulang ko, hanggang sa parehas kaming makatapos." Ngumiti sa akin si ate Jasmin. Pati ako'y napangiti sa kwento nito.
Muling ibinalik ni ate Jasmin ang larawan hawak niya sa cabinet. Nakasunod ang tingin ko sa larawan nang aksidenteng tumigil ang mata ko sa isang partikular na larawan. Naroon rin sina ate Jasmin at kuya Aldren ngunit ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang tatlo pang katabi nila. Isang babae at dalawang lalaki. Hindi ko naman makilala ang mga ito dahil kapwa may mga suot na mask.
"Si Dark ang lalaking nakablack at si Khian naman ang nakawhite." Nilingon ko si ate Jasmin. Marahil ay napansin nito ang pagtataka ko habang nakatingin sa larawan. Ibinalik ko ang tingin sa larawan at doon ko nakita ang pagkakapareho ng tindig ng dalawang lalaki kay Khian at Dark.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...