-----
"Ihahatid ko na kayo." Napalingon ako sa gawi ni Khian nang magsalita ito. Tiningnan ko sa mata ang lalaki. Iba ang awra nang lalaki ngayon. Ibang ibang sa kung anong awra ang ipinapakita niya sa akin at sa anak ko sa araw araw pagpunta nito sa bahay.
"Justin, hindi na. Hayaan mo na sila." Pinigilan ni ate Jasmin ang pagtangka nitong pagtayo mula sa pag upo. Natigilan ang lalaki.
"Sige na, iho. Nasa kwarto niya si Dark. Minsan ka nang naparito kaya alam mo naman na siguro kung nasaan iyon." Nanatili akong nakatingin kay Khian nang marinig iyon kay sir Aki. Hindi ko alam kung totoo ba ang pagdaan ng sakit sa mata niya. Iniwas ko ang tingin sa lalaki.
Lumapit sa akin si sir Aki at iniabot sa akin si Zaqui.
Nilingon ko si ate Jasmin. Nagthumbs up ito sa akin bago ituro ang hagdan pataas. Nag aalinlangan akong naglakad papunta roon. Palingon lingon pa rin ako kina ate Jasmin habang nasa hagdan. Tumango sa akin si ate Jasmin.
Bumuntong hininga ako bago ituloy ang paglalakad hanggang makarating ako sa mismong pangalawang palapag.
"Mimi, saan po tayo pupunta?" Tanong ng anak ko.
"May ipapakilala ako sayo, baby." Mahinang aniya ko habang pinapaspas ang mahabang hallway na mansion patungo sa kwarto ng lalaki. Hindi ko na kailangan pa na maghanap dahil kahit isang beses palang akong naparito ay tandang tanda ko kung nasaan ang kwarto ni Dark. Hindi nga nagtagal ay natanaw ko ang mismong pinto ng kwarto ng lalaki.
"Sino po, mimi?" Tanong nang ni Zaqui.
"You'll see." Tipid kong sagot bago sinenyasan ang anak na tumahimik. Tumigil ako sa mismong harapan ng kwarto ng lalaki. Nagpakawala ako ng hangin bago lakas loob na kumatok ng dalawang beses sa pinto. Wala akong narinig na sagot. Uulitin ko sana ang pagkatok ng marinig na magsalita ang lalaki.
"It's open. Come in." Tila tinatamad na turan nito.
"Sino po yun, mimi? Monstel?" Nabawasan ang kaba ko at napabungisngis dahil sa sinabe ni Zaqui. Nasabe siguro nito iyon dahil sa lagom ng boses ni Dark. Tulad ng mga kalaban sa mga napapanood niya sa mga pambatang palabas.
"A-huh. A monstel." Pagsangayon ko sa anak at panggagaya sa pagkabulol nito sa r. Maituturing rin naman na isang monster ang lalaki base sa pananaw ko dahil sa attitude nito. Mabuti nga at nagbabago na ito nitong mga nakaraan at sana naman ay tuluyan na itong magbago para sa anak ko.
Muli akong nagpakawala nang hangin bago hawakan ang doorknob at pihitin iyon bago itulak. Pumasok ako ng kwarto habang buhat buhat pa rin ang anak ko na humigpit ang pagkakayakap sa akin. Halatang pinaniwalaan nito ang sinabe ko.
Bumungad sa akin ang lalaking nakadapa sa kama. Nakataas ang kumot hanggang parteng dibdib. Nanuyo ang lalamunan ko ng mapansing wala itong suot na pang itaas. Kitang kita ang magandang likuran at balikat ng lalaki.
"Mom, I'm tired. Anong kailangan niyo?" Wika nito na nanatiling nakasubsob ang mukha sa unan. Inaakalang si ma'am Alendra kami. Mukhang hindi man lang ito nagpapakita ng galang sa ina niya.
"Mimi, siya po ba yung monstel?" Bumulong sa akin si Zaqui.
Nilingon ko ang anak bago tumango. Kunot noo itong nakatingin sa gawi kung saan nakahiga si Dark.
"Quin?" Dumagundong sa kaba ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Dark na tawagin ang pangalan ko. Kinakabahang ibinalik ko ang tingin sa kama ng lalaki. Nahigit ko ang hininga ng makitang nakatingin na ito sa amin. "What are you doing here?"
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...