CHAPTER 19

11.9K 663 98
                                    

-----

"Tara na."

Dinig kong sabe ni Khian matapos nito akong pagbuksan ng pinto ng kaniyang sasakyan. Bago ako sumakay ay sumulyap muna ako sa kotse kong nakaparada lang rin malapit sa pwesto namin.

Hindi naman siguro yan mawawala riyan. Marami namang nagbabantay rito.

Pumasok ako ng sasakyan. Si Khian naman ay umikot at sumakay sa driver seat. Ako naman ay nagtakid na ng seatbelt. Mahirap na. Kaibigan pa naman nito si sir.

Speaking of sir. Matapos niyang hilahin ang braso ko kanina ay agad niya ring binitawan at nagpaumanhin. Magtatanong lang naman raw ito kung nasaan ang mga papeles na pinirmahan ko. Ako naman ay nagtaka dahil alam naman niya kung saan ko iyon iniiwan. Palagi ko iyong iniiwan sa mesa ko at hindi naman siya nagtanong nang mga nakaraang araw.

Nagtanong rin ito sa kaibigan kung ano ang relasyon nito sa akin. Ang sagot naman ni Khian ay wala na roon ang kaibigan bago ako nito hinila palabas ng opisina ni sir.

Ngayon na rin pala siguro ang tamang oras para sabihin kay Khian ang totoo. Ang tungkol kay Zaqui. Para mabigyan ko na siya ng paalala na huwag ipagbigay alam sa kaibigan niya.

Binuksan ni Khian ang makina at pinatakbo ang kotse papalayo roon. Tahimik lang kami habang nagbabyahe.

Nag iipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa lalaki ang totoo. Nakatingin lang ako sa dinadaanan. Minsan ay nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagsulyap sa gawi ko ng lalaki.

"Ayos ko lang ba?" Pagbasag nito sa katahimikan. Lumingon naman ako rito at kinunotan siya ng noo. "Parang hindi ka mapakali."

"Ah ano kase... May sasabihin ako." Sandaling natahimik ang lalaki at tumingin lang sa akin.

"Ilang beses pa lang tayo nagkita tapos may gusto ka na sa akin. Ang bilis mo naman." Tumawa ang lalaki na ikinamaang ko.

"H-Hoy! Ang kapal. Hindi iyon okay? Iba ang sasabihin ko." Medyo nawala ang kaba ko. Nagtigil naman ang lalaki sa pagtawa at ngingiti ngiting tumingin sa dinaraanan.

"Eh ano?" Pagsasalita nito. Doon bumalik ang kaba ko. Sinandal ko ang sarili sa upuan at muling tumingin sa labas bago magsalita.

"Tungkol kay Zaqui. Ang totoo niyan..." Hindi ko matapos ang sasabihin ko. Pinangunahan ako ng kaba. Nakita ko ang kunot noong pagsulyap sa akin ng lalaki bago ibalik ang tingin sa daan.

"Ang gusto mo bang sabihin ay ang katotohanang ikaw ang nagdala kay Zaqui sa sinapupunan mo sa loob ng siyam na buwan?" Agad na nanlaki ang mata ko at marahas na lumingon sa lalaki. Sa daan pa rin ito nakatingin at may ngiti sa mga labi.

"Pano mo nalaman?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Sinabe sa akin ni ate Jasmin at kuya Aldren." Sagot nito. "Bakit ka naman natatakot na sabihin sa akin ang tungkol roon?"

Natahimik ako.

"Ayos lang naman. Atleast sasabihin mo rin naman sa akin." Ngumiti ito ng nakatingin pa rin sa daan.

Pinagmasdan ko ang lalaki.

Ibinigay na yata sa kaniya ni lord ang lahat. Si Khian yung lalaking pinapangarap ng karamihan ng kababaihan. Ang lalaking hindi lang magandang itsura kundi mabuti na rin. Ang swerte ng makakasama niya sa buhay for sure. Idagdag pa na magaling itong kumanta. Bonus na iyon.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon