CHAPTER 15

12.7K 601 54
                                    

-----

"Bakit ka umiiyak kanina, iho?"

Napabaling ako kay tita Salve nang magsalita ito. Bumaling ako sa anak ko na mahimbing na natutulog sa kama.

"Wala po iyon, tita." Sagot ko rito.

"Sana lang ay hindi iyan tulad ng dati." Saglit akong natigil sa pagsusuklay ng buhok ng anak gamit ang daliri ng marinig iyon. "Kaya ayaw ko kayong paalisin sa puder ko eh. Bakit kase kailangan niyo pang bumukod? Wala naman kayong problema sa bahay ah."

"Wala po talaga iyon, tita." Sagot ko sa unang tanong nito. "Kaya lang naman po ako bumukod sa inyo ay gusto ko nang sanayin ang sarili ko na buhayin ang anak ko ng mag isa."

Magalang na dagdag ko pero ang totoo ay nahihiya na ako na palagi nalang ako sa kanila kumakapit. Alam ko namang okay lang iyon sa kanila pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili na makaramdam ng ganoon. Feeling ko nagiging pabigat na kami sa kanila.

"Hays iho. Kung ako lang masusunod ay nasa puder ko na kayo ngayon pero hindi naman kita dapat pangunahan at alam ko na alam mo na rin ang ginagawa mo. Ang hiling ko lang sana ay alagaan mo naman ang sarili mo. Hindi yung puro kapakanan ng iba ang iniisip mo. Kung nasasaktan ka na, matuto ka namang gumawa ng paraan para mawala." Naluluhang sabe ni tita Salve na ikinainit mata ko. Hindi na nito napigilan ang luha at itinaklob nalang ang mga kamay sa sariling mukha.

Ako naman ay hindi na rin napagilan ang mga luha at nagunahan na iyon sa paglandas sa mukha ko.

"Naroon ako nung mga panahon na nasa sitwasyon kang iyon Quin at sinasabe ko sayo, ayaw ko na ulit makita na ganoon ang itsura mo. Ako yung nasasaktan para sa iyo." Humagulhol si tita na mas ikinaiyak ko. "Nasaksihan ko kung paano ka bumigay sa lahat ng bagay Quin."

Mas lalo akong napaiyak ng marinig iyon sa kaniya.

Sinubsob ko ang mukha sa sariling mga kamay.

Naramdaman ko nalang ang yakap ni tita.

"Salamat, tita." Buong puso kong sabe rito bago niyakap pabalik.

Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon kung hindi dahil sa kaniya. Marahil baka hindi ko na kinaya ang buhay kung wala siya sa tabe ko nang mangyari ang lahat ng iyon sa akin. Marahil wala ako at si Zaqui sa lugar na ito ngayon.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang mga pisngi ko.

"Lagi mo lang tandaan na narito si tita. Kung gusto mo nang taong pagsasabihan, makikinig ako. Kung gusto mo nang balikat na maiiyakan, handa ako. Mabasa man ng luha mo ang buong damit ko. Ayaw kong isinasarili mo ang lahat ng problema mo tulad ng ginawa mo noon." Sabe nito. Patuloy pa rin ang pag iyak ko.

Alam kong hindi sapat lahat ang isang pasasalamat para sa lahat ng nagawa sa akin ni tita. Kulang na kulang iyon.

"Masiyado na tayong madrama." Natatawang wika ni tita na ikinatawa ko rin. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at ngumiti. Sinuklay nito ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Kung ano man ang iniiyak mo kanina, pakalakas ka lang at malilimutan mo rin lahat ng sakit naramdaman mo balang araw."

Ngumiti ako pabalik.

"Sige na. Matutulog na ren ako." Tumigil na ito sa pag iyak at bahagyang sumisimghot pa habang nagsasalita.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon