-----
Aligaga ako habang naglilibot kami sa mall hanggang ngayon na paalis na kami. Palingon lingon ako sa paligid habang papalabas kami ng mall dahil sa takot na baka biglaan na lamang lumabas ang lalaki sa kung saan at makita kami.
"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Kiara kaya nilingon ko ito. Nakakunot noo itong nakatingin sa akin. Marahil ay napapansin na nang babae ang pagka-aligaga ko. Nagkunware akong walang alam sa sinasabe nito at nagpatuloy sa paglalakad. This time, hindi ko na ipinapahalata sa babae na aligaga ako. Normal lang akong naglalakad at hindi palingon lingon. Hindi tulad ng kanina ngunit magalaw pa rin ang mata ko dahil kinakabahan pa rin.
Nang makalabas ng mall, tumuloy agad kami sa parking lot kung saan nakapwesto ang kotse ko. Muling sumakay sina Kiara at ang kambal sa back seat habang si Zaqui naman sa passenger seat. Papasok na ako ng sasakyan ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae sa likurang bahagi ko. Sandali akong hindi nakagalaw. Napakalapit ng boses na iyon.
"Sino nga kase yun?" Boses iyon ng babaeng kasama ni sir Dark kanina.
"Tss. Lea, wag kang makulit." Boses naman iyon ni sir na mas ikinakaba ko. Daglian akong sumakay ng sasakyan at dali daling pinatakbo ito papalayo roon ng hindi tinitingnan kung sila nga ba iyon dahil hindi ko man lingunin, alam kong sila yun. Boses pa lamang ng lalaki ay kilalang kilala ko na.
Hindi nagtagal, nagsabe si Kiara ang sasakyan kaya iyon ang ginawa ko. Itinabi ko ang sasakyan.
"Dito na ang sa amin." Wika ng babae. Owtomatiko akong napatingin sa labas."Sa susunod ulit ha?"
Nilingon ko ang babae at nakitang inaakay nito ang kambal pababa ng sasakyan. Ngumiti ako rito bago tumango bilang pagsang ayon sa sinabe nito.
"Oh siya. Lumarga na kayo at mukhang pagod na pagod iyang anak mo." Nanatiling nakatayo ang babae sa may bukas na pintuan ng sasakyan. Napasulyap ako sa anak kong natutulog sa passenger seat. Nakatulog ito habang nasa byahe kami. Marahil ay napagod nga ito sa pakikipaglaro sa kambal.
Tumango sa akin ang babae bago niya tuluyang isara ang pinto ng sasakyan. Ako nama'y muling binuksan ang makina ng sasakyan at patakbuhin ito papalayo roon. Nakita ko pa ang pagkaway ng tatlo mula sa side view mirror ng sasakyan.
Tahimik akong nagmaneho hanggang makarating sa bahay namin. Madilim na rin ang paligid at ang mga street lights nalang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Pati na ren ang liwanang na nagmumula sa ilaw sa loob ng mga bahay ng mga kapitbahay namin. Pinatay ko ang makina bago bumaba ng sasakyan at kunin sa kabilang bahagi ang tulog kong anak. Naglakad ako papasok ng bahay habang buhat buhat pa rin ang anak ko. Medyo nahirapan pa ako sa pagbubukas ng pinto namin dahil kay Zaqui.
Nang tuluyang makapasok ng bahay, hinatid ko ang anak ko sa kwarto bago muling bumalik sa baba. Naghanap ng magagawa dahil hindi pa ako inaantok. Panay rin ang pagpasok sa isip ko sa nangyare sa ice cream parlor kanina. Patuloy na bumagabag sa akin kung sino naman kaya ang babaeng kasama nito. Nakaramdam ako ng kirot sa ideyang nobya niya ito.
Napagdesisyunan kong maglinis nalang ng bahay. Yun lang ang ginawa ko hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Nang matapos ay umakyat na rin ako sa taas at nagpalit ng suot bago tabihan ang anak ko upang matulog.
Kinabukasan.
Hindi ko alam kung makakapasok ba ako o hindi sapagkat hindi pa ren dumarating sina ate Jasmin mula sa probinsya nina kuya Aldren. Walang magsusundo kay Zaqui kung sakali kung hindi sila makauwi at pumasok pa ako. Kung hindu makarating ang mag asawa ngayon, hindi nalang ako papasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/269372919-288-k379076.jpg)
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...