-----
"Hoy! Bakit nagmamadali ka?"
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Kiara sa akin at pinagpatuloy ang halos tumatakbo nang paglalakad.
Minsan ay lumilingon ako dahil baka nakasunod na si sir.
"Para kang hinahabol ng sindikato diyan." Sabe ni Kiara ng makahabol ito sa akin.
Tumatakas ako dahil ayaw ko pang makausap si sir. Alam kong tutohanin nito ang sinabe niya kanina na mag uusap kami. Napagtanto kong hindi pa ito ang oras na sabihin sakaniya.
Buti nalang at kausap nito ang mga magulang hanggang ngayon. Nabigyan ako ng tyansiya para makatakas.
"May gagawin pa kase ako." Palusot ko.
Tuluyan na kaming nakalabas ni Kiara ng building. Ako nama'y nagmamadaling pumunta sa pwesto kung nasaan ang kotse ko. Nagpaalam muna ako kay Kiara bago dali daling sumakay sa kotse at pinaandar iyon palayo.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Hay... Sorry anak. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabe sa ama mo ang totoo. Takot nga ba akong baliwalain ka niya o takot akong layuan niya na ako? Kung sakaling malaman niya na ang totoo.
Hindi ko alam.
-----
Ibinaba ko ang hawak na mga gamit at tumuloy sa kusina. Naririnig ko roon ang pagsasalita ni Ate Jasmin.
Kapitbahay namin na nagprepresentang magbantay kay Zaqui tuwing wala ako.
Pumayag naman ako dahil mapagkakatiwalaang tao si Ate Jasmin. Siya ang unang taong nakilala ko sa lugar na ito. Pagkarating palang namin ay nagdala na ito rito ng pagkain. Nang makita nito si Zaqui ay nawalan na ito ng balak na umuwi at wiling wili sa bata. Ang sabe pa nito ay hindi niya raw alam pero ang gaan ng loob niya sa aming dalawa ni Zaqui. Ang buong akala niya ay ako ang ama ni Zaqui at wala na itong ina. Kaya sinakayan ko nalang.
Kinabukasan nang araw na iyon ay kailangan ko ng maghanap ng trabaho at hindi ko alam kung anong gagawin kay Zaqui. Balak ko sanang dalhin ito kaso hindi yata pwede iyon. Saktong bumisita muli si ate Jasmin. Nang masabe ko ang sitwasyon ko ay nagpresenta itong magbantay kay Zaqui. Madalas rin daw kase siyang walang kasama dahil may trabaho ang asawa niya at noboboryo na siya sa bahay kaya pinayagan ko na. Kaya hanggang ngayon ay siya pa ren ang nagbabantay tuwing wala ako.
Mukhang kinakausap nito ang anak ko.
"Bilisan mo na at darating na iyon si Quin."
Pumasok ako sa kusina at naabutang nagluluto si ate Jasmin samantalang si Zaqui naman ay nakaupo sa mataas niyang upuan at nanonood sa pagluluto ni ate Jasmin. Hindi pa rin ako napapansin ng dalawa dahil busyng busy ito sa mga ginagawa.
"Kilala niyo po ba shi daddy Khian?" Biglang nagtanong si Zaqui. Biglaan iyon kaya naman natahimik ako.
"Aba, oo. Kaibigan yun nang kapatid ko." Nanlalaking matang lumingon si ate Jasmin kay Zaqui. Mukhang hindi ito makapaniwala na kilala nito si Khian. "Bakit mo siya kilala, baby? Idolo mo rin ba ang mukong na iyon?"
"Ah diba nga po shi mimi, mommy ko. Kaya po shi daddy Khian, daddy ko." Marahas namang lumingon si ate Jasmin at nakita niya ako dahil dun. Mukhang nagulat ito sa sagot ni Zaqui na kahit ako ay nagulat rin.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...