CHAPTER 26

11.4K 584 61
                                    

-----

Chineck ko ang sarili sa salamin. Umikot ako at tiningnan kung ayos lang ba ang suot at kung bagay ba iyon sa akin. Tumango ako ng masatisfy sa sariling itsura. Okay na siguro ito.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba.

Tumuloy ako sa sala kung nasaan sina ate Jasmin, ang anak ko at si Kiara. Oo, si Kiara. Rinig na rinig ko ang boses nito ng papalapit na ako. Kinukulit nito ang anak ko na mukhang wiling wili naman sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang address ko pero bigla nalang siyang dumating rito kanina para raw sunduin ako. Masiyado pa ngang maaga para sa party pero sinusundo na ako nito para roon. Ngayon lang rin nito nalaman ang tungkol sa anak ko. Dahil sa mausisa ito, sinabe ko na rin sa kaniya ang totoo at si ate Jasmin naman ang nagpaliwanag ng iba pa. Hindi rin ito makapaniwala noong una pero tulad nina ate Jasmin ay tanggap naman niya. Nagtanong pa ang babae kung sino ang ama ni Zaqui kaya inexcuse ko na ang sarili ko para magpalit at para hindi na rin masagot ang tanong niya. Maingay pa naman ito sa trabaho.

Nilingon ako ng tatlo.

"Wow. Gwapo natin ah?" Biro ni Kiara at sumipol pa.

Nakadress ang babae na abot tuhod ang iksi at nakapamatay na hills. Mabuti nga at hindi siya natutumba roon dahil napakapayat ng takong. Pero bumagay naman sa kaniya ang suot. Medyo mababa kase ang babae at nagmukha siyang natural na mataas sa suot niya ngayon.

"Pwede po ba ako sumama sa inyo, mimi?" Bumaba ang tingin sa anak ko na noo'y nakasalampak sa sofa. Nakakalat na naman ang mga laruan nito roon.

Umupo ako sa tabi nito at kinalong ang anak.

"Bawal dun ang baby, baby eh." Palusot ko sa anak ko. Sumimangot ito at nag iwas ng tingin na ikinangiti ko. "Pero pupunta naman rito ang daddy Khian mo."

Hindi nakapunta ang lalaki rito kahapon at ngayong araw dahil sa trabaho nito. Tumawag ito kanina at nagsabeng pupunta siya ngayong gabe rito at siya raw ang sasama sa anak ko. Tinanggihan ko sana ito pero namimiss na ren raw niya ang anak ko. Mapilit rin talaga ang lalaki kaya pumayag na ako at mas mabuti sigurong narito ang lalaki para mas mabantayan ang anak ko.

Pero mukhang hindi niyon naalis ang pagtatampo ng anak ko dahil nasa malayo pa rin ang tingin nito at nanatiling nakasimangot. Hinagkan ko ito at pinaggigilan ngunit hindi man lang ito humagikhik na nagpatunay na nagtatampo nga ito.

"Sige. Baka malate pa kayo. Akin na ang anak mo." Kinuha ni ate Jasmin sa akin ang anak ko. Walang ingay ang anak ko at nakayakap lang sa leeg ni ate Jasmin. Hinagkan ko ito sa pisngi bago nagpaalam kay ate Jasmin. Tiningnan ko ang mukha nito at nakapikit ito na parang natutulog. Naiiling nalang ako sa pagtatampo nito. Parang ayaw ko na tuloy sumama dahil sa anak ko. Hindi pa naman maganda pag pinapatagal ang pagtatampo nito.

Darating naman si Khian. Baka mawala rin ang pagtatampo nito. Sa tuwing narito naman ang lalaki ay sumisigla ito kaya baka mawala rin iyon.

Nang makalabas ng bahay ay mahinang hinampas ako ni Kiara sa braso na ikinalingon ko rito.

"Ikaw ah. Bakit di mo sinabeng may anak ka na?" Pagtatanong nito. Tinaasan ako nito ng kilay.

"Hindi ko masabe eh." Totoong sagot ko.

"Sus. Kala mo naman. Iiwasan ka namin ni Justin kung sabihin mo. Duh. Kami kaya yun." Napangiti ako sa narinig mula rito. Hindi naman iyon ang tunay na dahilan. Ang totoo kaya't ayaw ko isabe sa kanila ay baka kumalat ito sa kompanya at makaabot kay sir. Hindi sa wala akong tiwala sa kanila. Sa daldal ni Kiara ako natatakot.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon