-----
Sinundan ko ng tingin ang lalaki hanggang makapasok ito sa kusina. Nawala na ito sa paningin ko ngunit mabilis pa ren ang pagtibok ng puso ko. Hawak ko pa ren ang sariling dibdib.
Bumuga ako ng hininga bago naiiling na sumunod sa lalaki. Hindi ko dapat iyon bigyan ng anong meaning. Ako na naman ang magmumukhang tanga sa huli.
"Umupo ka iho." Pagsasalita ni sir Zaki nang makapasok ako ng kusina. Ngumiti naman ako rito bilang tugon bago umupo sa tabi ni sir Dark. Hindi ko ito sinulayapan dahil hindi ko pa ren makalimutan ang sinabe nito kanina. Maaaring normal lang iyon para sa lalaki ngunit sa akin ay iba ang dating niyon.
Pinasadahan ko ng tingin ang mesa at napamaang sa mga nakitang pagkain. Tulad nang nakaraan kung pagparito, nagmumukhang fiestahan sa dami ng pagkain.
"Huwag ka mahiya iho." Pagsasalitang muli ni sir Zaki na ikinabaling ko rito. Ngumiti ito sa akin. Nahihiya naman akong tumango. Sinong hindi mahihiya sa lagay kong ito? Ako lang ang hindi nila kapamilya rito.
Balak ko na sanang kumuha ng pagkain ng marinig ang sigaw ng isang pamilyar na boses.
"I'm back!" Binasag niyon ang katahimikan sa hapag kainan. Lumingon ako sa pinanggalingan niyon at nanlaki ang mata nang makupirma ang hula. Nakita ko si ate Jasmin kasama ang asawa niyang si kuya Aldren na nakangiti ng malawak. Agad na pumasok sa isip ko ang anak ko.
Sinong kasama ng anak ko?
"Jasmin, iha." Lumapit si ate Jasmin kay ma'am Alendra at humalik sa pisngi nito. Sunod naman nitong hinagkan sa pisngi si sir Zaki. Samantalang nakatayo lamang sa isang tabi si kuya Aldren. Hindi pa ren napapansin ng mga ito ang presensiya ko.
"Bakit ang dame niyo rito? Hindi niyo naman sinabeng may family reunion pala." Natawa si ate Jasmin habang pinapasadahan ng tingin ang buong mesa. Tumigil iyon sa akin. Nakita ko ang pagbuka ng labi nito dahil siguro sa gulat. Pati si kuya Aldren ay nakatingin na ren sa akin.
"Quin!?" Gulat na aniya ng dalawa ng makita ako. Tulad ng inaasahan ko. Natahimik ang lahat na ikinakuyom ko ng kamay dahil sa hiya. Napakarami ko nang eksena ngayong araw na ito.
Muli akong pumeke ng tawa nang walang masabe.
"Anong ginagawa mo rito? At bakit narito ka?" Nagtatakang tanong ni ate Jasmin. Lumapit sa akin ang dalawa.
Tumayo ako at humarap sa mga ito. Medyo nagulat ako ng yakapin ako ni ate Jasmin.
"Naku! Lagot ka sa anak mo." Nanlaki ang mata ko ng ibulong iyon sa akin ni ate Jasmin habang yakap ako. Nakumpirma niyon na may tampo pa nga sa akin ang anak ko hanggang ngayon. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin.
"Sinong kasama ni Zaki, ate?" Mahinang tanong ko rito.
"Si Khian. Buti nga at walang trabaho si Khian, kung meron sinama ko na sana ang anak mo rito." Mahina rin nitong aniya. Kinakabahan ako dahil baka naririnig iyon ni sir Dark. Napakalapit lamang namin sa lalaki.
Umalis sa harap ko si ate Jasmin.
Yayakap na sana sa akin si kuya Aldren ng may brasong pumagitna sa pagitan namin. Nilingon ko kung kaninong braso iyon at nakitang braso iyon ni sir Dark na noon pala'y nakatayo na. Kumunot ang noo ko sa ginawa nito.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...