-----
"Ate, una na kami ni Zaqui." Paalam ko kay ate Jasmin nang makababa kami ng sasakyan. Buhat buhat ko na si Zaqui. Bigla nalang itong lumipat sa akin kanina at naglambing habang nasa kotse kami. Kaya heto siya ngayon.
"Anong mauuna? Samin kayo kakain." Hindi ko inaasahang saad ni ate Jasmin.
"Nako wag na at-"
"Basta sa amin kayo kakain." Pinal na saad nito bago nagpatiuna muli sa maglakad kaya alam ko nang wala akong magagawa.
"Oo nga naman, Quin. Dito ka na kumain." Napabaling ako kay kuya Aldren nang magsalita ito.
Ngumiti nalang ako at tumango bilang pag sang ayon.
Ngumiti rin pabalik si kuya bago naunang maglakad. Sumunod naman kami ni Khian habang buhat ko si Zaqui.
Bakit kaya ang tahimik ng batang ito?
"Nabibigatan ka ba?" Biglang nagsalita ang lalaki sa tabi ko. Sinulyapan ko siya at nakatingin lang siya sa akin.
"Huh? Saan?" Nagtataka kung tanong. Natawa ito na mas ikinakunot ng noo ko.
"Ang ibig kong sabihin ay si Zaqui. Nabibigatan ka ba sa kaniya? Kung oo ay maaari mo naman siyang ibigay muna sakin." Medyo natatawa pa ring aniya nito.
"A-Ah. Okay lang." Nahihiyang ani ko. "Hindi naman siya ganoong kabigat kahit may katabaan ito." Dagdag ko pa.
Narinig ko na naman ang mahinang tawa nito.
Nakakagulat lang na ang seryoso niya pag napapanood ko siya sa TV. Yung mukhang masungit. Kilala siya ng manonood at mga co-artist niya bilang tahimik at seryosong tao. Marami sa kanila ang nagsasabe na hindi pa raw nila ito nakikitang nakangiti. Pero ganito pala siya sa personal. Ibang iba sa nakikita at nalalaman ko sa TV.
Marahil ay tutok lang ito sa trabaho kaya ganun siya on cam.
"Bakit nakakatitig ka? Sa daan ka tumingin, wag sa mukha ko. Baka matisod ka. Mahulog ka pa." Makabulohang wika nito bago nagpatiuna sa paglalakad. Hindi nakawala sa mata ko ang pamumula ng maputi at makinis nitong pisngi.
Ako nama'y naiwang nakanganga roon.
Kinilig ba siya sa sarili niyang banat? Siya pa itong namula.
"Bakit nakatigil ka pho, mimi." Nabalik ako sa wisyo nang magsalita si Zaqui. Mahinang tinampal pa nito ang pisngi ko tulad ng ginagawa niya pag ginigising ako tuwing umaga.
"A-Ah, wala baby." Tumuloy na ako sa paglalakad.
"Bakit ang tagal mo pumasok?" Salubong sa akin ni ate Jasmin. Owtomatikong bumaling ang tingin ko kay Khian na nakaupo sa isa sa mga upuang naroon habang kinukulikot ang kung ano sa cellphone niya. Nakatuon lang ito sa cellphone at parang wala lang nagyare.
"Ah, mabagal talaga ako maglakad ate." Wala akong ibang naisip na palusot kaya iyon nalang ang sinabe ko.
Nawiwirduhang tumingin sa akin si ate Jasmin bago magsalita.
"Upo ka muna. Nagluluto palang ako eh." Sabe nito at itinuro ang pwesto kung saan naroon si kuya Aldren at Khian.
"Ang cute cute talaga ng anak mo hays..." Dagdag nito bago kinurot ang pisngi nang anak ko. Mabuti nalang at hindi nagrereklamo ang anak ko pag kinukurot siya ni ate Jasmin sa pisngi.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...