CHAPTER 30

11.5K 605 64
                                    

-----

"Pasensiya ka na talaga, Quin." Pang ilang beses nang paghingi ng tawad ni ate Jasmin dahil sa nangyare kanina. Kanina pa ito humihingi ng tawad. Mula nang makaalis kami sa mansyon nila hanggang ngayon.

Sila na ren ang nagpresentang maghatid sa akin dahil hindi na bumaba ang lalaki matapos mag walk out. Pabor naman sa akin dahil ayaw kong masama ang lalaki at ihatid ako. Baka makita pa nito ang anak ko kung sakali.

Gusto kong manisi sa nangyare ngunit ayaw ko namang maging masama kina ate Jasmin. Isa pa, hindi alam ni kuya Aldren na bawal ipaalam kay sir Dark na may anak ako kaya niya yun nasabe. So wala talagang may gusto sa nangyare.

Ang gumugulo lang sa akin ngayun ay kung may ideya na ba ang lalaki na anak niya ang anak ko at ang naging reaksyon nito nang malamang may anak ako. Hindi man sigurado pero alam kong iyon ang rason kung bakit nagbago ang timpla ng lalaki. Yun lang naman ang pwedeng maging rason dahil wala naman kaming ibang pinag uusapan maliban roon.

Bumuntong hininga ako.

"Ikaw kase! Tanga tanga mo talaga!" Hinampas na naman ni ate Jasmin ng bag si kuya Aldren. Kung gaano karami ang paghingi ng paumanhin ni ate Jasmin sa akin, ganoon rin karami ang natanggap na hampas ni kuya Aldren mula sa babae. Sinisisi nito ang lalaki dahil ito naman raw ang nagsabe.

"Ano ba hun? Nagmamaneho ako." Walang magawa ang lalaki sa pag abuso sa kaniya ni ate Jasmin dahil nagmamaneho ito. Nakakunot ang noo at sa tingin ko'y medyo naiinis na sa ginagawa ni ate Jasmin ngunit wala namang magawa dahil under ito sa babae. Bukod sa mahal niya ito. "Tsaka hindi ko naman alam na bawal palang ipaalam kay Dark na may anak si Quin."

Parang maamong tutang pagpapaliwanang ni kuya Aldren na patuloy pa ren sa pagmaneho. Nawala ang kunot noo at tila nagpapaumanhin na. Natigil naman si ate Jasmin sa paghampas kay Kuya Aldren at tiningnan ito sandale bago umayos ng upo.

"Hmp. Kung hindi kalang nagmamaneho." Umismid ang babae bago tumingin sa labas ng sasakyan. Ako naman naiiling nalang sa ginagawa ng dalawa.

"Si Dark ang ama ni Zaqui." Pagsasalita ko. Halos mauntog ako sa upuan dahil sa biglang pagpreno ng sasakyan matapos iyong masabe.

"Ano ka ba?" Naiinis na wika ni ate Jasmin na halos mauntog na rin. Nakarinig kami ng busina na ikinalingon namin roon. May kotse pala sa likuran namin na natigil ren dahil sa biglaang pagpreno nang sasakyan namin. Agad na muling pinatakbo ni kuya Aldren ang sasakyan habang humihingi ng pasensiya sa amin.

"Si Dark? Ama ni Zaqui?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni kuya Aldren. Sandali ako nitong sinulyapan sa rear view mirror.

"Ulit ulit? Sinabe na nga diba?" Masungit na wika ni ate Jasmin.

"Holy sh*t!" Malutong na mura ng lalaki ngunit napatigil ito nang makita si ate Jasmin na masama ang tingin sa kaniya. Umiling ang babae bago muling tumingin sa labas.

"So narealize mo na kung anong ginawa mo?" Nagsusungit pa ring aniya ng babae.

"Pasensiya ka na Quin. Hindi ko alam." paghingi ng paumanhin ni kuya Aldren.

"Okay lang kuya. Naiintindihan ko. Hindi mo naman alam kaya mo iyon nasabe." Tinanguhan ko ito sa rear view mirror na sinuklian niya naman ng ngiti.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon