CHAPTER 11

13.1K 732 90
                                    

-----

"Sa labas tayo kakain."

Napantig ang tenga ko nang ulitin ni sir Dark ang sinabe nito sa akin ngayon ngayon lang.

"Huh? Kasama ako sir?" Takang tanong ko. May pagtanggi sa boses.

Wala namang nakalagay sa schedule nito ngayong araw na may imimeet niya sa labas. At higit sa lahat, kasama ako.

"Oo at hindi ka pwedeng tumanggi. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." Nanlumo ako ng marinig iyon sa lalaki.

Ayaw ko pa naman sanang sumama dahil umiiwas ako rito. Matapos ang nangyari kanina ay nagsimula akong mas mailang sa kaniya. Kaya umiiwas nalang ako pero ang pagkakataon nga naman. Balak pa kaming pagsamahin buong araw.

Ang buong akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag ngayong lunch time dahil ang akala ko ay hindi ko na ren makakasama ang lalaki. Siya pa pala itong makakasama ko sa buong lunch time.

Nagpatiunang maglakad ang lalaki. Ako naman ay naiwan muna sandale at huminga ng malalim bago sumunod rito.

Habang nasa elevator ay marami kaming nakasabayan at marami roon ay babae na pasulyap sulyap kay sir. Hmp. Sarap pagtutusukin nang mga mata.

Ang lalaki naman ay mukhang nag eenjoy sa nakukuhang atensyon mula sa mga babae. Napaikot ko ang sariling mata dahil roon.

Nang makarating sa baba ay nagtutulakan pa ang ibang kababaihan kung sino ang unang bababa. Pinaikot ko ang mata at nauna nang lumabas. Hindi ko na alam kung sumunod ba si sir.

Lumingon ako at nakitang nakasunod sa akin ang lalaki. Sentro ito ng atensyon ng lahat. Pantay na pantay ang paglalakad nito at parang walang pakialam sa paligid niya. Hindi man lang ito lumilingon sa kung saan. Nakatuon lang ang tingin nito sa harapan at parang nakatingin sa kawalan.

Ibinalik ko nalang muli ang paningin sa harapan at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng building. Hinintay ko roon ang lalaking ang bagal maglakad.

"Dito sa kotse ko ka sasakay para less hussle." Pagsasalita nito habang naglalakad papalapit sa kotse niya. Ako naman ay balak na sanang pumunta sa kotse ko.

Hanggang sa sasakyan ba naman?

Wala naman akong magagawa dahil alam kong pinal na ang sinabe nito.

Bumuntong hininga ako bago lumapit sa sasakyan nito.

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan bago umikot para sumakay sa driver seat.

Nagulat ako ng makasakay ito ay lumapit ito sa akin. Nahigit ko ang paghinga ng maramdaman ang hininga nito sa mukha ko.

Itutulak ko na sana ito ng marinig ang pag click nang kung ano bago ito kusang lumayo sa akin. Itinakid lang pala nito ang seatbelt ko.

"Hindi niyo naman yun kailangan gawin sir." Kinakabahang sabe ko rito. Patukoy sa pagtatakid ng seatbelt ko.

Hindi naman ito sumagot at pinatakbo na ang sasakyan palayo roon.

Buong byaheng walang umiimik sa amin. Nililibang ko nalang ang sarili sa mga ibat ibang tanawing nadaraanan. Masiyadong nakakailang ang katahimikan. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ren ba iyon o ako lang.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon